Paxful, Inc. Paunawa ng Pagkapribado
Paxful, Inc. (tinukoy din na "Paxful," "kami," "namin," o "amin") ay gumagawa ng mga hakbang upang maprotektahan ang iyong pagkapribado. Sa Paunawa ng Pagkapribado na ito ("Paunawa"), aming inilarawan ang mga uri ng personal na impormasyon na aming kolektahin mula sa iyo kaugnay sa iyong paggamit ng aming mga website kabilang, ngunit hindi limitado sa, https://paxful.com/, ang Wallet ng Paxful, aming online na plataporma sa pagkalakal ng bitcoin, mobile na aplikasyon, mga pahina ng social media, o ibang mga ari-ariang online (sama-sama, ang "Website"), o kapag ikaw ay gumamit ng anumang mga produkto, mga serbisyo, nilalaman, mga tampok, mga teknolohiya, o mga punsyon na aming inioffer (sama-sama, ang "Mga Serbisyo").
Ang Paunawa na ito ay idenisenyo upang tulungan kayo na makakakuha ng impormasyon tungkol sa aming mga kasanayan sa pagkapribado at upang tulungan ka na intindihin ang iyong mga pagpipiliang pagkapribado kapag ikaw ay gumamit sa aming Website at mga Serbisyo. Mangyaring tandaan na ang aming pag-aoffer ng Serbisyo ay mag-iiba-iba sa mga rehiyon.
Para sa lahat ng mga layunin, ang bersyon ng wikang Ingles sa paunawa ng pagkapribado na ito ay dapat ang orihinal, namamahalang instrumento. Sa pagganap ng anumang salungatan sa pagitan ng bersyon ng wikang Ingles sa paunawa ng pagkapribado na ito at anumang kasunod na pagsasalin-wika sa anumang ibang wika, ang bersyon ng wikang Ingles ang mamumuno at magkontrola.
Personal na impormasyon na aming kinokolekta
Kinokolekta namin ang impormasyon na nauugnay sa iyo (“Personal Data”) may kinalaman sa paggamit mo ng Website, mga Serbisyo namin, o di kaya'y may kinalaman sa aming mga ugnayan sa iyo. Kabilang sa mga uri ng Personal Data na maaaring makuha namin mula sa iyo ay:
Byograpikong Data, kabilang ang:
- Pangalan
- Email Address
- Numero ng Telepono
- Bansa
- Buong Address
- Petsa ng Kapanganakan
Mga Detalye ng Account sa Paxful, kabilang ang:
- Username
- Impormasyon sa Profile ng User sa seksyon ng "Bio"
- Larawan ng Profile
- Petsa ng Pagsali
- Default na Currency
- Time Zone
- Default na Wika
Aktibidad ng Account sa Paxful, kabilang ang:
- Mga Mensaheng Chat ng Kalakalan (kung alin ay naglaman ng pinansyal na impormasyon kung ibibigay mo ito sa mga seller)
- Mga Kalakip ng Chat sa Kalakalan
- Aktibidad ng Kalakalan
- Kasaysayan ng Transaksyon
- Pangalan ng Affiliate
- ID ng Affiliate
- Link na Affiliate
- Mga Transaksyon ng Affiliate
- Nilikhang Mga Alok
- Mga Tuntunin ng Alok
- Mga Tagubilin sa Kalakalan
- Mga Notipikasyon ng Account
- Estado ng Account
Data na nauugnay sa iyong Digital asset wallet, kabilang ang:
- Mga Private Key
- Mga Public Key
- Balanse sa Wallet
- Natanggap na mga transaksyon
- Mga transaksyong ipinadala
Data na Nakolekta kaugnay sa "Kilalanin Ang Iyong Mamimili" (KYC) Pagsunod, kabilang ang:
- ID na isyu ng pamahalaan
- Katunayan ng Address
- Mga Larawan, kung pumili ka na ibigay ito sa amin
- Video, kapag pinili mong ibigay ang mga iyon sa amin
Gamit na Data ng Aparato at Website, kabilang ang:
- Mga IP Address
- ID ng Cookie at/o mga identifier ng ibang aparato
- Impormasyon kaugnay sa iyong access sa Website, tulad ng mga katangian ng aparato, petsa at oras
- Mga kagustuhang wika
- Impormasyon sa mga aksyon na nakuha habang gumagamit sa Website
Mobile application usage data, kabilang na ang:
- Data ng session: IP address, bersyon ng operating system, brand at model ng device, mga natatanging identifier ng device, browser na ginamit, impormasyon tungkol sa oras na na-access ang Application, pangalan at mga parameter ng koneksyon sa network.
- Impormasyon tungkol sa mga application na na-install sa device ng User (metadata mula sa mga application): application name, application identifier at version, device identifier at checksum. Ang pag-detect ng mga kahina-hinalang apps at pagprotekta sa mga user mula sa panlilinlang ay ang mga pangunahing dahilan para sa pagkolekta ng impormasyon tungkol sa mga naka-install na app.
- Impormasyon sa mga aksyon na isinagawa habang ginagamit ang mobile application
- Crash at mga application error ng mga diagnostic data
Paano namin ginagamit ang iyong data
Ang mga layunin ng negosyo na aming kolektahin, gamitin, panatilihin, at ibahagi ang iyong Personal Data ay maaaring kabilang ang:
- Upang magbigay ng mga Serbisyo sa pamamagitan ng pagpapatakbo ng Website, kabilang ang:
- Pagrehistro, paglikha, at pagpanatili ng iyong account;
- Pagpapruweba ng iyong pagkakilanlan at/o ng iyong access sa isang account, o pagtulong sa mga seller na pruwebaan ang iyong pagkakilanlan;
- Pagsimula, pagpapadali, pagproseso, at/o pagsagawa ng mga transaksyon;
- Pakipag-usap sa iyo tungkol sa iyong account o sa anumang mga Serbisyo na iyong ginamit;
- Magsasagawa ng pagiging karapat-dapat sa kredito, KYC, o ibang parehong mga pagsusuri;
- Magsuri ng mga aplikasyon; o
- Maghahambing ng impormasyon para sa mga layuning katumpakan at beripikasyon.
- Upang pamahalaan ang panganib at protektahan ka, ang ibang mga tao, at ang Website at Mga Serbisyo.
- Upang magbigay ng pansariling karanasan at ipatupad ang iyong mga kagustuhan.
- Upang mas maiintindihan ang mga mamimili at kung paano sila gumamit at makipag-ugnayan sa Website at Mga Serbisyo.
- Upang makipagnegosyo sa iyo.
- Upang magbigay ng pansariling Mga Serbisyo, mga offer, at mga pagtataguyod sa aming Website at sa mga website ng pangatlong-partido.
- Upang magbigay sa iyo ng mga pagpipiliang tiyak-na-lugar, mga pag-aandar, at mga offer.
- Upang sundin ang aming mga patakaran at mga tungkulin, kabilang, ngunit hindi limitado sa, mga pagsisiwalat at mga tugon sa sagot ng anumang mga hiling mula sa mga awtoridad ng tagapagpatupad ng batas at/o mga tagapag-ayos alinsunod sa naaangkop na batas, panuntunan, regulasyon, hudisyal o utos ng pamahalaan, awtoridad ng regulasyon ng may kakayahan na hurisdiksyon, hiling ng pagkatuklas o parehong prosesong legal.
- Upang lutasin ang mga dispute, magkolekta ng mga bayarin, o maghanap ng solusyon sa mga problema.
- Upang magbigay ng serbisyo ng kustomer sa iyo o kung hindi man makipag-usap sa iyo.
- Upang pamahalaan ang aming negosyo.
Maaari rin kami magproseso ng Personal Data para sa ibang mga layunin batay sa iyong pahintulot kapag hiniling ng naaangkop na batas.
Mga mapagkukunan kung alin kami ay magkolekta ng personal data
Kami ay magkolekta ng Personal Data mula sa maraming mapagkukunan, kabilang ang
- Direkta mula sa iyo: Kami ay magkolekta ng Personal Data direkta mula sa iyo kapag ikaw ay gumamit ng aming Website o Mga Serbisyo, makipag-usap sa amin, o makipag-ugnayan direkta sa amin.
- Mula sa mga tagapagbigay ng serbisyo at/o mga tagaproseso ng data na tumutulong sa amin sa pagbigay ng Website o sa Mga Serbisyo: Makikisali kami sa mga tagapagbigay ng serbisyo upang tulungan kami sa pagpapadali sa Website o sa Mga Serbisyo sa iyo, sa aming direksyon at sa aming pangalan. Ang mga tagapagbigay ng serbisyo na ito ay magkolekta ng impormasyon tungkol sa iyo at ibigay ito sa amin.
- Mula sa ibang mga user sa Website ng Paxful o galing sa mga affiliate na pinagsama sa Website sa Paxful o Mga Serbisyo: Ang ibang mga user ay maaaring magbigay sa amin ng impormasyon tungkol sa iyo kaugnay sa mga transaksyon o mga chat. Ang mga affiliate ay maaari rin magbigay ng impormasyon sa amin tungkol sa iyo kaugnay sa iyong mga interaksyon o mga transaksyon sa gayong mga affiliate.
- Mula sa mga pangatlong-partido na maaaring tumutulong sa amin na pruwebaan ang pagkakilanlan, pigilan ang panloloko, at protektahan ang seguridad ng mga transaksyon.
- Mula sa mga pangatlong-partido na maaaring tumutulong sa amin na suriin ang iyong pagiging karapat-dapat ng kredito o pagkakatayo ng pinansyal.
- Mula sa mga pangatlong-partido na maaaring tumutulong sa amin na analisahin ang Personal Data, pabutihin ang Website o ang Mga Serbisyo o ang iyong karanasan doon, mga produkto sa merkado o mga serbisyo, o magbigay ng mga pagtataguyod at mga offer sa iyo.
- Mula sa mga plataporma ng social media, kung ikaw ay makikipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng social media.
Paano namin ibabahagi ang data
Sa ilalim ng mga kalagayan, aming isisiwalat ang ilang Personal Data sa ibang mga tao. Ang mga kategorya ng mga tao na kung kanino namin maaaring ibabahagi ang Personal Data ay kabilang ang:
- Mga tagapagbigay ng serbisyo at/o mga tagaproseso ng data: Maaari namin ibahagi ang Personal Data sa mga third party na tagapagbigay ng serbisyo na nagsasagawa ng mga serbisyo at mga punsyon sa aming direksyon at sa aming pangalan. Ang mga tagapagbigay ng serbisyo na pangatlong-partido na ito ay maaari, halimbawa, magbibigay sa iyo ng Mga Serbisyo, pruwebaan ang iyong pagkakilanlan, tumutulong sa pagproseso ng mga transaksyon, magpadala sa iyo ng mga anunsyo para sa aming mga produkto at Mga Serbisyo, o magbigay ng customer support.
- Ibang mga partido sa mga transaksyon, tulad ng mga seller: Maaari naming ibahagi ang impormasyon sa ibang mga kalahok sa iyong mga transaksyon, kabilang ang ibang mga user kung saan mo binibili ang mga digital asset
- Mga institusyon ng pinansyal at ibang mga kumpanya na nasangkot sa pagtulong sa iyo na gumawa ng mga pagbabayad kaugnay sa mga transaksyon
- Mga affiliate na nakatanggap ng mga referral mula sa aming Website
- Ibang mga pangatlong-partido para sa aming mga layunin ng negosyo o ayon sa pinahintulutan o kinakailangan ng batas, kabilang ang:
- Upang sumunod sa anumang legal, regulasyon o kontraktwal na tungkulin, o sa anumang legal o proseso ng regulasyon (tulad ng balidong utos ng korte o subpoena);
- Upang magtatag, magsagawa, o magtanggol ng legal na mga claim;
- Bilang tugon sa hiling ng ahensya ng pamahalaan, tulad ng mga awtoridad sa pagpapatupad ng batas o hudisyal na utos;
- Upang ipatupad ang aming Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Website o aming panloob na mga patakaran;
- Upang pigilan ang pesikal na pinsala o kawalan ng pinansyal, na may kaugnayan sa pagsisiyasat ng pinaghihinalaan o aktwal na ilegal na aktibidad, o kung hindi man protektahan ang amin o mga karapatan, ari-arian, o kaligtasan ng iba;
- Upang padaliin ang pagbili o pagbenta ng lahat o bahagi sa negosyo ng Paxful. Halimbawa, sa pamamagitan ng pagbahagi ng data sa isang kompanya na pinaplanuhan namin na pagsamahin o kuhanin; o
- Upang suportahan ang aming awdit, pagsunod, at mga punsyon sa pamamahala ng korporasyon.
Internasyonal na pagta-transfer ng data
Mangyari tandaan na maaari kaming mag-transfer ng Personal Data na aming nakolekta mula sa iyo sa mga bansa na iba sa bansa na kung saan ang impormasyon ay orihinal na nakolekta. Ang mga bansang yaon ay maaaring walang parehong mga batas sa pagproteksyon ng data sa bansa na unang nagbigay ng impormasyon. Kapag ita-transfer namin ang iyong Personal Data sa ibang mga bansa, sumunod kami sa mga hakbang na idenisenyo upang masisiguro na ang pag-transfer ay alinsunod sa naaangkop na batas.
Mga cookies at online na pag-aanunsyo
- Ang cookie ay isang maliit na file ng text na sini-save ng website sa iyong computer o mobile na aparato kapag ikaw ay bumisita sa website.
- Ang aming Website ay gumagamit ng mga cookies at mga teknolohiya ng pagsubaybay upang mapapatakbo, at upang ituon ang pag-anunsyo na maaaring magugustuhan mo. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring sumangguni sa aming Patakaran ng Cookie.
- Ang Paxful ay maging umaanib kasama ang pangatlong-partido na ad network upang magpapakita ng anunsyo sa Website ng Paxful o sa ibang mga website ng pangatlong-partido. Ang mga website na ito at ang pangatlong-partido na mga ad network ay hindi kontrolado ng Paxful. Ang mga ad network na mga affiliate ay gumagamit ng mga teknolohiya ng data upang kumokolekta ng mga impormasyon tungkol sa iyong online na mga aktibidad upang magbigay sa iyo ng nakatuon na anunsyo batay sa iyong mga interes. Kung nais mo na hindi magkaroon nitong impormasyon na ginamit sa layuning paglilingkod sa iyo ng nakatuon na mga ads, maaari kang mag-opt-out sa pamamagitan ng pagbisita:
Mangyaring tandaan na ito ay hindi makapag-opt-out sa iyo mula sa pagiging sinisilbihan ng pag-anunsyo; patuloy kang makakatanggap ng henerikong mga ads na hindi batay sa iyong ispesipikong interes. Maaari mong kontrolahin ang paggamit ng mga cookies sa lebel ng indibidwal na browser. Kung tatanggihan mo ang mga cookies, maaari mo pa rin gamitin ang aming Website, ngunit ang kakayahan mong gumamit sa ibang mga tampok o mga lugar ng aming Website ay maaaring limitado.
Pagpapanatili ng data
Pananatilihin namin ang Personal Data sa panahon na kailangan para sa mga layunin na ito ay kinolekta, o para sa ganung mga panahon na kinakailangan ng naaangkop na batas. Ito ay magsasangkot sa pagpapanatili ng Personal Data sa mga panahon na kasunod ng transaksyon. Kami ay gumagawa ng pagsisikap upang burahin ang iyong Personal Data kapag ito ay hindi na kinakailangan para sa anumang mga layunin ng negosyo na inilarawan sa itaas.
Seguridad ng data
Ang Paxful ay nagpapatupad ng pansanggalang na idenisenyo upang protektahan ang iyong Personal Data, kabilang ang mga panukalang idenisenyo upang pigilan ang Personal Data laban sa pagkawala, maling paggamit, at hindi awtorisadong pag-access at pagsisiwalat. Ganoon pa, ang Paxful ay hindi makabigay ng kasiguraduhan o garantya ng seguridad o pagiging kumpidensyal sa impormasyong iyong inihatid sa amin o natanggap galing sa amin sa pamamagitan ng Internet o wireless na koneksyon. Ang pag-transfer ng data sa pamamagitan ng Internet ay palaging nagdadala ng panganib, kahit na ang Paxful ay nagsisikap na protektahan ang data kapag ito ay kanilang natanggap.
Mga bata na wala pang 18 taon ang edad
Ang Website ng Paxful ay hindi inilaan para sa mga bata na wala pang 18 taon ang edad. Hindi kami magsasadya na kumolekta ng data mula sa mga bata na wala pang 18 taon ang edad na walang napatunayan na pahintulot ng magulang. Kung malalaman namin na nakapagkolekta kami ng impormasyon, kabilang ang Personal Data, galing sa indibidwal na wala pang 18 taon ang edad na walang pahintulot sa magulang, buburahin namin ang impormasyong iyon kaagad.
Mga pagbabago sa paunawa ng pagkapribado
Ang Paxful ay naglaan ng karapatan na baguhin ang Paunawa na ito paminsan-minsan. Aabisuhan ka namin sa mga pagbabago sa Paunawa na ito sa pamamagitan ng pag-post ng binagong bersyon dito sa Paunawa na ito, sa pamamagitan ng email, o sa pamamagitan ng kilalang-kilala na paunawa sa home page ng Website ng Paxful. Inirekomenda namin na pana-panahon mong suriin ang Website para sa anumang mga pagbabago.
Makipag-ugnayan sa amin
Kung ikaw ay may anumang katanungan tungkol sa Paunawa na ito, o nais magtanong sa amin tungkol sa Personal Data o pagkapribado, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa: [email protected]
EEA Addendum
Ang sumusunod na mga pagsisiwalat ay ilalapat sa, at ito ay eksklusibong itinalaga para sa, mga indibidwal na nakatira sa loob ng European Economic Area (EEA).
Tagakontrola ng Data
Ang tagakontrola sa iyong Personal Data ay ang Paxful, Inc.
Legal na Batayan Para sa Pagpo-proseso ng Personal Data
- Sa lawak na kami ay gumagamit ng Personal Data upang magsagawa ng nakakontratang mga tungkulin o mga hiling na iyong ginawa kaugnay sa isang kontrata, ang Artikulo 6(1)(b) ng Pangkalahatang Regulasyon ng Proteksyon sa Data (“GDPR”) ay ang legal na batayan para sa aming pagpo-proseso ng data.
- Sa lawak na kami ay gumagamit ng Personal Data upang sundin ang legal na tungkulin sa ilalim ng EU o batas ng Miyembrong Estado, ang Artikulo 6(1)(c) ng GDPR ay ang legal na batayan para sa aming pagpo-proseso ng data.
- Sa lawak na kami ay gumagamit ng Personal Data upang protektahan ang mahalagang interes ng mga indibidwal, ang Artikulo 6(1)(d) ng GDPR ay ang legal na batayan para sa aming pagpo-proseso ng data.
- Sa lawak na kami ay gumagamit ng Personal Data sa paghabol ng aming lehitimong mga interes sa negosyo, ang Artikulo 6(1)(f) ng GDPR ay ang legal na batayan para sa aming pagpo-proseso ng data. Ang listahan ng aming lehitimong mga interes sa negosyo ay nasa seksyon sa itaas na pinamagatang "Paano Namin Gamitin Ang Iyong Data".
European Data Protection Rights
Ang batas na Europeano ay nagbibigay sa iyo ng tiyak na mga karapatan na may paggalang sa iyong Personal Data, kabilang:
- Ang karapatan na humiling ng access sa at pagtutuwid ng iyong Personal Data.
- Ang karapatan na humiling na burahin ng Paxful ang tiyak na Personal Data na nauugnay sa iyo.
- Ang karapatan sa kakayanan ng data, na kung saan nagbibilang sa karapatan na humiling na ang tiyak na Personal Data na iyong naibigay sa amin ay mailipat mula sa amin patungo sa ibang tagakontrola ng data.
- Ang karapatan na bawiin ang anumang pahintulot na iyong naibigay sa Paxful na magkolekta, gumamit, o magbahagi ng iyong data sa anumang oras. Mangyaring tandaan na ang pagbawi sa pahintulot ay hindi makakaapekto sa pagkakasala ng Paxful sa pagpo-proseso ng iyong Personal Data bago ang iyong pagbawi.
- Ang karapatan na tumutol sa pagpo-proseso ng Paxful sa iyong Personal Data, batay sa mga pagbawal na ispesipiko sa iyong partikular na kalagayan.
- Ang karapatan na humiling na paghigpitan ng Paxful ang pagpo-proseso ng iyong Personal Data, kapag may tiyak na mga kondisyon ng batas para sa paghihigpit na matugunan.
- Ang karapatan na magsabit ng reklamo sa awtoridad ng pangangasiwang Europeano.
Mangyaring tandaan na ang naaangkop na batas ay maaaring magbigay ng mga pagbubukod sa anumang mga karapatan na ito, pahintulutan ang Paxful na tatanggihan ang iyong hiling, o pahintulutan ang Paxful na pahabain ang panahon na kung saan ito ay makapagsagawa ng iyong hiling. Ang Paxful ay maaari rin kumontak sa iyo upang pruwebaan ang iyong pagkakilanlan, ayon sa pinahintulutan ng batas, bago ang pagsasagawa ng iyong hiling. Upang gagawin ang alinman sa mga karapatang ito, mangyaring makipag-ugnayan sa amin ayon sa itinakda sa itaas na seksyon na pinamagatang "Makipag-ugnayan sa Amin".
Internasyonal na mga Transfer
Maaari namin i-transfer ang Personal Data na nauugnay sa mga residenteng EEA sa mga bansa na hindi natagpuan ng Europeanong Komisyon upang magbibigay ng sapat na proteksyon, kabilang ang United States. Para sa gayong mga pagta-transfer, ang Paxful ay nagpapatupad ng mga pangangalagang idenisenyo upang siguraduhin na ang iyong Personal Data ay makakatanggap ng sapat na lebel ng proteksyon. Kung ikaw ay matatagpuan sa EEA, ang Paxful ay magta-transfer lamang ng iyong Personal Data kapag: ang bansa na kung saan ang Personal Data ita-transfer ay binigyan ng Europeanong Komisyon ng kasapatang desisyon; ang tagatanggap ng Personal Data ay matatagpuan sa United States at sertipikado sa US-EU Privacy Shield Framework; ang Paxful ay naglagay sa lugar ng angkop na pangangalaga na paggalang sa pag-transfer, halimbawa sa pamamagitan ng pagpasok sa EU Standard Contractual Clauses kasama ang tagatanggap, o; isang naaangkop na paghihigpit ng batas sa GDPR kalahatang paghihigpit sa pagta-transfer ay ilalapat. Upang makakuha ng kopya sa mga mekanismo na ang Paxful ay nagsagawa upang suportahan ang kanyang pag-transfer ng personal data sa labas ng EEA, makipag-ugnayan sa amin ayon sa itinakda sa itaas na seksyon na pinamagatang "Makipag-ugnayan sa Amin".
California Addendum
Ang sumusunod na mga pagsisiwalat ay ilalapat sa, at ay eksklusibong inilaan para sa, mga residente sa Estado ng California.
Iyong mga Karapatan ng Pagkapribado sa California
Sa saklaw na aming isisiwalat ang ilang personal na impormasyon ng pagkilala tungkol sa iyo sa pangatlong mga partido na gumamit nito para sa kanilang direktang mga layunin ng pagkalakal, ikaw ay may karapatan na humiling ng dagdag na impormasyon tungkol sa mga tagatanggap ng iyong impormasyon. Upang gamitin ang karapatan na ito, mangyaring makipag-ugnayan sa amin ayon sa inilarawan sa seksyon sa itaas na pinamagatang "Makipag-ugnayan sa Amin."
Huwag Subaybayan Ang Pagsisiwalat
Ang aming Website ay hindi idenisenyo na tumugon sa "Huwag Subaybayan" na mga signal o mga hiling.