Kilalanin ang team ng Paxful!

Ang mga empleyado ng Paxful ay ang puso ng aming kumpanya. Gamit ang iba't ibang kultura at background, lagi kaming natututo mula sa isa't isa. Ang pinakamagandang parte? Bawat isa ay maaaring maranasan ang iba't ibang wika at kultura. Mayroon kaming nakalaang team ng produkto subalit ang aming platform ay resulta ng sama-samang pagtatrabaho at feedback mula sa bawat team at departamento.

Max

Tagapayo ng Kumpanya (Estados Unidos ng Amerika)

Ano ang isang bagay na hindi mo magagawa isang araw kung wala sa Paxful?

Pakikipagbiruan sa aking mga katrabaho.

Ano ang nagpapasigla sa iyo dito sa Paxful?

Ang potensiyal. Ang kumpanyang ito ay may napakalaking potensiyal, at alam kong malaki ang aking tungkulin upang makitang naaabot namin ang tagumpay na iyon.

Ano ang isang bagay tungkol sa Paxful/P2P finance na gusto mong malaman ng lahat?

Tinatanong ng mga tao kung bakit mahalaga ang P2P finance. Kinilala ng World Bank na halos 2 bilyong tao ang walang access sa tradisyonal na serbisyo ng pananalapi. Ang Paxful ay nag-aoffer sa mga tao ng oportunidad na makibahagi sa sistema ng pananalapi.

Lana

Chief Compliance Officer (United States of America)

Ano ang nagpapasigla sa iyo dito sa Paxful?

Ang giya at positibong enerhiya upang dahil ang mga tao sa Bitcoin.

Ano ang pinakamakabuluhang epekto may kinalaman sa trabaho mo?

Nakatalaga ako upang tiyakin na mahuhuli namin ang masasamang tao. Binigyan ako ng aking team ng mga tool at proseso upang gawin iyon. Hindi kami nangungunsinti sa panlilinlang at labag sa batas na aktibidad sa aming site.

Trisha

Digital Illustrator (Pilipinas)

Ano ang pinakamagandang benepisyo dito sa Paxful?

Gustong-gusto ko ang mga benepisyo ng gym at spa! Talagang pinangangalagaan ng kumpanya ang kalusugan ng mga empleyado nito at ang karagdagang benepisyong ito ay nakatutulong sa iyo na makapagrelaks sa oras ng pinaka nakakapagod na mga araw.

Ano ang isang bagay tungkol sa Paxful/P2P finance na gusto mong malaman ng lahat?

Gusto kong higit na malaman ng mga tao ang tungkol sa industriya sa pangkalahatan. Ang industriya ng P2P finance ay maraming bagay na iniaoffer, lalo na sa walang bangko.

Ano ang paboritong event ng kumpanyang Paxful na nadaluhan mo na?

Ano ang paboritong event ng kumpanyang Paxful na nadaluhan mo na?

Ysabelle

Video Marketing (Pilipinas)

Ano ang nagpapasigla sa iyo dito sa Paxful?

Ang dahilan ng aking pagpapatuloy ay ang walang katapusang mga oportunidad para umunlad dito. Kahit noong ako ay bata pa, naniwala sila sa akin at sa aking gawa. Binigyan nila ako ng pagkakataong ipakita kung ano ang magagawa ko.

Ano ang paboritong event ng kumpanyang Paxful na nadaluhan mo na?

Sa tuwing lalabas kami para mag-inuman, napakasaya at magandang paraan para sa akin para makipagsamahan sa aking mga katrabaho sa labas ng trabaho!

Ano ang pinakamakabuluhang epekto may kinalaman sa trabaho mo?

Pinapayagan ako ng trabaho ko na ikumberte ang hilig ko tungo sa trabaho na nagkakaroon ng epekto sa mga taong nanood ng mga video na ginagawa namin.

Michelle

Feedback Quality Analyst (Pilipinas)

Ano ang pinakamagandang benepisyo dito sa Paxful?

Habang nakikitang umuunlad ang buong tam, ang pagtatrabaho sa abot ng aming makakaya ay may kasamang totoong ngiti sa aming mga mukha. Ang pagiging bahagi ng prosesong ito para sa pagpapaunlad ay nagpapanatiling giya patungo sa Paxful. At siyempre pa kapag tumaas ang value ang value ng Bitcoin ay tataas!

Ano ang isang bagay tungkol sa Paxful/P2P finance na gusto mong malaman ng lahat?

Gusto kong magkaroon ang lahat ng angkop na kaalaman kung paano gumagana ang Bitcoin sa pangkalahatan at kung paano gumagana ang proseso ng trading sa Paxful upang higit nilang maunawaan kung nai-scam ba sila o hindi.

Ano ang isang bagay na gusto mong makitang makamit ng Paxful o gawin bilang kumpanya sa susunod na ilang taon?

Maging numero unong kumpanya ng fintech at P2P trading platform!

Madis

PHP Developer (Estonia)

Ano ang isang bagay na hindi mo magagawa isang araw kung wala sa Paxful?

Pagmimiryenda ng mga prutas at mani sa kusina, lalo na ang mga kasoy.

Ano ang nagpapasigla sa iyo dito sa Paxful?

Ang mga taong katrabaho at ang layunin ng kumpanya na makatulong sa mga tao na magkaroon ng pinansiyal na mga serbisyong hindi nila makuha.

Ano ang isang bagay tungkol sa Paxful/P2P finance na gusto mong malaman ng lahat?

Na may totoo at kumikitang mga paraan para kumita ng pera sa Paxdul at hindi lahat ay scammer.

Pavel

Kubernetes Engineer (Estonia)

Ano ang isang bagay na hindi mo magagawa isang araw kung wala sa Paxful?

Pagkakape kasama ng mga katrabaho ko. Magandang pagkakataon ito para sa hindi pormal na tugon mula sa sinuman at alamin kung ano ang nangyayari sa loob ng ibang mga departamento. Ang mga di pormal na chat ay makatitipid ng mga oras na ginugol sa mga pagpupulong.

Ano ang pinakamagandang benepisyo dito sa Paxful?

Ang gym, naka-cater na pananghalian, mga araw na walang pasok. Ang pangunahing bagay na madalas nalilimutan, gayunman, ang Paxful ang pinakatapat na kumpanya na aking napagtrabahuhan sa buong buhay ko. Ginagawa nila ang lahat ng kanilang magagawa para gawing mas komportable ang araw mo at maramdaman mong mahalaga ka.

Ano ang paboritong event ng kumpanyang Paxful na nadaluhan mo na?

Ang pinakamagandang pangyayari ay ang mga Araw ng Tag-init, kapag ang buong kumpanya, kabilang ang lahat mula sa ibang mga opisina, magsama-sama sa pinaghiwalay na team-building trip, sa Croatia. Tunay na nakagagalak na makilala ang mga kasamahan, makasama ang lahat, at bumuo ng tunay na espiritu ng team.

Aska

Compliance (Hong Kong)

Ano ang nagpapasigla sa iyo dito sa Paxful?

Mga resulta at mga miyembro ko ng team.

Ano ang isang bagay tungkol sa Paxful/P2P finance na gusto mong malaman ng lahat?

Na ginagawa namin ang aming buong makakaya upang protektahan ang aming mga tagapagbenta at buyer! Ang huling bagay na nais namin ay hawakan ang inyong BTC.

Ano ang paboritong event ng kumpanyang Paxful na nadaluhan mo na?

Pagsakay sa eroplano tungo sa iba't ibang mga opisina para sa mga pagbisita at pagsasanay.

Tugba

Affiliate Manager (Estonia)

Ano ang isang bagay na hindi mo magagawa isang araw kung wala sa Paxful?

Team ko!

Ano ang nagpapasigla sa iyo dito sa Paxful?

May kahanga-hangang oportunidad ng paglago para sa mga propesyonal at mga kakayahan sa pangangasiwa.

Ano ang isang bagay tungkol sa Paxful/P2P finance na gusto mong malaman ng lahat?

Lahat ng event ng Paxful ay masaya! Pero pinaka nagustuhan ko ang mga Araw ng Tag-init nang 2019, kung saan ginugol namin ang buong linggo sa Croatia.