Bumili mula sa
Magbayad ng
Presyo kada Tether
Paano Bumili ng Tether sa Paxful
Layunin ng Paxful na magamit ng milyun-milyong indibidwal na walang bangko ang pinasyal na serbisyo sa buong mundo. Binibigyan namin kayo ng kalayaan na ipagpalit ang pera para sa Tether (USDT) at gamitin ito kung sa tingin ninyo ay angkop; maging sa pagbabayad ng mga kalakal o serbisyo, pagprotekta ng mga asset mo laban sa pagtaas-baba ng presyo, pagbili ng mga digital currency, o pigilan ang pagbabagu-bago ng presyo ng mga cryptocurrency.
Sa marketplace ng Paxful na pinatatakbo ng mga tao, maaari kang bumili ng Tether nang direkta mula sa mga kasamahang user tulad mo mula sa buong mundo, Walang mga bangko, kumpanya o iba pang tagapamagitan na nasasangkot.
Narito kung paano magsimula:
- Gumawa ng account o mag-sign in sa nagawa mo ang account. Mag-sign up sa Paxful na may libreng wallet kung saan maaari kang mag-imbak ng USDT.
- Pumili ng paraan ng pagbabayad, ilagay ang halaga na gusto mong gastusin sa iyong napiling currency pagkatapos ay pindutin ang Maghanap ng mga Offer.
- Magpunta sa bawat offer at repasuhin ang kanilang mga terms at kundisyon. Tingnan ang mga rate na itinakda ng mga seller, gayundin ang kanilang mga score ng reputasyon at feedback upang sukatin ang kanilang kredibilidad.
- Kapag nakahanap ka na ng offer na pinaka-angkop sa mga kinakailangan mo, kumpirmahin ang halaga ng babayaran mo at simulan ang trade. Bubuksan nito ang live chat kung saan maaari kang makipag-usap sa seller sa eksaktong oras.
- Sa panahon ng trade, ang seller ay maglalaan ng karagdagang mga detalye kung paano magpatuloy. Sundin ang kanilang mga tagubilin nang maingat at kumpirmahin ang transaksyon kapag nakapagbayad ka na.
- Kapag na-validate na ng seller ang bayad, ire-release nila ang USDT mo nang ligtas sa aming escrow, nang direkta sa iyong Paxful Tether wallet.
Kapag nakumpleto mo na ang trade, maaari mong gastusin ang iyong balanseng Tether sa anumang gusto mo, o ilipat ito sa isa pang wallet.
Sa mahigit 300 paraan ng pagbabayad kasama ang cash, bank transfer, at mga gift card, ang pagbili ng USDT ay hindi pa naging ganito kadali. Hindi mo nakita ang napili mong paraan ng pagbabayad? Ipaalam sa amin at susubukan namin na idagdag ito sa aming platform. Para sa higit na impormasyon, tingnan ang aming Knowledge Base o kontakin ang aming support team.