Mangyaring maghintay habang hahanapin namin ang pinakamahusay na mga offer para sa iyo.

Bumili Mula sa

Magbayad Gamit ang

Rate kada Bitcoin

Paano Bumili ng Bitcoin sa Paxful

Bumili ng Bitcoin (BTC) sa pinakamababang posibleng presyo kahit nasaan ka man. Gumagana ang Paxful sa prinsipyo ng peer-to-peer na pananalapi na nagpapahintulot sa iyong makabili ng BTC na may pinakamababang 10 USD. Maaari kang bumili nang direkta mula sa mga taong katulad mo—nang walang mga bangko o kumpanya.

Ang pinakamagandang parte? Walang bayad kapag bumili ka ng Bitcoin sa Paxful. Nangangahulugan iyon na makakakuha ka ng mas maraming crypto para sa pera mo. Salamat sa halos 400 paraan ng pagbabayad na available sa platform, maaari mong gawing Bitcoin ang iyong pera gamit ang mga online na wallet o bank transfer. Maaari mo ring i-trade ang iba pang mga cryptocurrency tulad ng Ethereum para sa Bitcoin, o pwede ring magbenta ng mga gift card upang makakuha ng mga bahagi ng BTC bilang kapalit.

Ang Paxful ay protektado ng seguridad sa antas ng vault at kinokontrol sa United States bilang isang Money Services Business. Ang marketplace ay mahigpit na sinusubaybayan ng aming pangkat ng mga analyst at ang mga user ay na-verify upang matiyak ang isang ligtas na kapaligiran sa trading. Sa lahat ng mga hakbang na pangkaligtasang ito, makatitiyak kang malaman na ang iyong impormasyon at crypto ay ligtas sa amin.

Narito kung paano mo sisimulan ang pagbili ng Bitcoin sa Paxful:

  1. Mag-sign up sa Paxful account - Lumikha at i-verify ang iyong account upang makuha ang iyong libreng Bitcoin wallet na may 2FA security. Ang pag-set up ng iyong account ay madali at maaaring gawin sa ilang minuto lamang. Ang kailangan mo lang ay isang wastong email address, numero ng telepono, at ID upang makapagsimula.
  2. Maghanap ng vendor – Mag-click sa Buy mula sa main menu at piliin ang Bumili ng Bitcoin. Itakda ang halagang gusto mong gastusin, ang iyong napiling currency, at ang iyong napiling paraan ng pagbabayad sa sidebar widget upang mahanap ang mga lokal at internasyonal na seller na tumutugma sa iyong mga kinakailangan.
    Nirerekomenda namin na i-filter ang lahat ng Mga Uri ng User (Ambassador, Associate, atbp.) upang ipakita ang mga pinakamapagkakatiwalaang vendor na sumailalim sa karagdagang layer ng mga security check mula sa Paxful.
  3. Basahin ang mga kinakailangan – Mag-click sa button na Buy upang tingnan ang terms ng vendor. Depende sa paraan ng pagbabayad, maaari ding hilingin sa iyo ng seller na magbigay ng screenshot ng pondo mula sa iyong online na wallet, larawan ng bank deposit slip, o kopya ng resibo ng gift card na binili mo. Maaaring hilingin din sa iyo ng ilang vendor na magpadala ng selfie na may hawak na valid ID para sa karagdagang mga layuning pangseguridad.
  4. Simulan ang trade – Kung makakasunod ka sa terms ng nagbebenta, itakda ang halaga ng Bitcoin na gusto mong bilhin sa widget pagkatapos ay i-click ang Buy na para simulan ang trade. Magbubukas ito ng live chat sa seller kung saan makakatanggap ka ng karagdagang mga tagubilin kung paano kumpletuhin ang trade. Itinatala ng live chat ang lahat ng mensahe at poprotektahan ka kung magkaroon ka ng anumang problema, kaya huwag makipag-ugnayan sa labas ng Paxful.
  5. Magpadala ng bayad at tumanggap ng iyong BTC – Kapag ang lahat ng mga kinakailangan ay naisagawa na at ang vendor ay nagbigay ng go signal, mag-transfer ng bayad at mag-click agad sa Bayad na. Sa puntong ito, ang BTC ng vendor ay naka-lock sa escrow upang pigilan ang iyong trade partner na tanggapin ang iyong bayad at hindi i-release ang crypto. Sa sandaling makumpirma ng seller ang bayad mo, ang Bitcoin ay ilalabas mula sa escrow at ililipat sa iyong Paxful Wallet.

Ang natitira na lang ay bigyan ang seller ng review ng iyong karanasan at ganun lang! Para sa higit pang impormasyon, maaari mo ring panoorin ang aming detalyadong video ng pamaraan kung paano bumili ng Bitcoin sa Paxful.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan, mangyaring mag-click sa icon ng chat sa kanang sulok sa ibaba ng pahina upang makipag-ugnayan sa aming team ng suporta. Nandito kami para sa iyo 24/7—kahit sa mga holiday!

Ang pagbili ng Bitcoin sa Paxful ay ligtas at madali, ngunit huwag basta maniwala sa aming sinasabi—basahin ang mga review ng hindi mabilang na mga Paxful user sa buong mundo.