Bumili mula sa
Magbayad ng
Presyo kada Bitcoin
Paano Bumili ng Bitcoin gamit ang PayPal
Ang PayPal ay isa sa pangunahing online money transfer system sa mundo na naglilingkod bilang pamalit sa mga tseke at money order. Nag-aalok ito ng madali at mabilis na paraan ng pagpapadala ng pera sa buong mundo, gayundin ang pagproseso ng pagbabayad anumang oras, kahit saan.
Ang agarang pagbili ng Bitcoin gamit ang PayPal ay posible na ngayon sa peer-to-peer marketplace ng Paxful. Makakahanap ka ng ilan sa mga offer na tumanggap ng PayPal bilang napiling paraan ng pagbabayad sa aming platform. Kung hindi ka nakakita ng angkop na offer, lagi kang makakagawa ng sarili mong offer upang akitin ang mga user na gustong mag-trade ng BTC gamit ang PayPal.
Para sa mas ligtas na karanasan sa trade, maaaring humingi ng ilan sa mga seller ng karagdagang hakbang para kumpirmahin ang pagkakakilanlan ng kanilang mga trading partner. Ang mga hakbang na ito ay maaaring humiling sa iyo na ipakita ang tiyak na mga dokumento tulad ng mga ID card, selfie, at/o screenshot. Nagbabawas ito sa panganib ng mapanlinlang na pagbabayad at hindi awtorisadong paggamit ng mga PayPal account, kaya ang Paxful ay mas ligtas na marketplace.
Ang mga terms ng offer at kundisyon ay maaaring medyo naiiba mula sa isang offer kumpara sa iba, kaya siguruhin na binabasa mo at sinasangayunan ang mga kahilingan ng seller bago magsimula sa trade. Magagamit mo ang aming online Bitcoin calculator para matantiya kung magkanong BTC ang bibilhin mo sa halaga na mayroon ka sa napiling currency. Para sa higit na impormasyon, maaari mo ring panoorin ang aming detalyadong video walkthrough kung paano bibili ng Bitcoin gamit ang Paypal sa Paxful.
Dito sa Paxful, layunin namin na pasimplehin ang paraan ng pag-convert mo ng pera mo sa PayPal sa Bitcoin gamit ang aming ligtas at madaling gamitin na peer-to-peer marketplace.Maghanap ng pinakamagandang alok para sa iyo ngayon.