Welcome sa People-Powered Money

Binabago ang Paxful ang mundo ng pananalapi. Sa limang taon pa lamang, kami ay naging isa sa mga nangungunang peer-to-peer bitcoin marketplace na ginamit ng milyun-milyong tao sa mundo. At nagsisimula pa lamang kami.

Ang Aming Mga Tagapagtatag

Ang Paxful ay nagsimula sa simpleng misyon: upang palakasin ang kinalimutan na apat na bilyong walang bangko at walang sapat na ipon sa bangko, upang mapamahalaan nila ang kanilang pananalapi sa paraan na hindi pa nila nagagawa noon.

Ray Youssef

Ray Youssef, CEO

Isang imigrante mula sa Ehipto na lumaki sa gitna ng New York, hilig ni Ray ang tumulong sa iba. Nangarap siya ng daigdig kung saan ang pananalapi ay makukuha ng bawat isa at ang ideya ay ipinakita bilang Paxful.

Artur Schaback

Artur Schaback, CPO

Si Arthur na lumaki sa Estonia ay natuto kung paano nagpabago sa daigdig ang teknolohiya. Nais niyang gumawa ng pagbabago, lumipat siya sa New York upang ipagpatuloy ang kanyang pangarap na maghatid ng kalayaan sa pananalapi para sa bawat tao sa planeta.

Ang Aming Mga Pagpapahalaga

Nabubuhay kami at nagtatrabaho sa tatlong simpleng pagpapahalaga upang gabayan kami sa aming pakikipagsapalaran.

Pangunahing katangian ng Paxful Pangunahing katangian ng Paxful

Maging Bayani

Sa Paxful, gumagamit kami ng mga superhuman na pagsisikap upang matapos ang trabaho. Buong araw kaming nagtatrabaho para maibigay sa aming mga user ang kanilang pinapangarap. Ginagawa naming posible ang imposible para baguhin ang buhay ng bilyun-bilyon sa buong mundo.

Itinatag para sa mga Tao

Kapag gumagawa ng mga desisyon sa Paxful, iniisip namin ang mga tao—hindi ang mga kita. Nagpupunta kami sa iba pang mga lugar sa mundo na binalewala at kinalimutan. Tinutulungan namin ang mga tao na magsikap, magtayo ng mga paaralan, at gawin ang mga user na maging boss ng kanilang sarili.

Manatiling Konektado sa mga Kalsada

Nakikinig kami sa aming komunidad 24/7 sa Paxful. Wala kami sa matataas na gusali na may “mga suit”—nasa lansangan kami kasama ang mga tao. Lagi kaming nakikipag-usap sa aming mga user, na tinatanong sila para sa kanilang mga puna, at lumilikha ng isang bagay na mas maganda.

Bumili at magbenta ng Bitcoin at Tether sa Paxful

Mga Produkto namin

Binabago ng Paxful ang paraan ng mundo sa paglilipat ng pera at tinatanggap ang crypto - na nagpapahintulot sa pag-transfer sa sinuman, saanman at anumang oras.

Walang bank account? Walang problema. Mayroon kaming mahigit 300 paraan ng pagbabayad na pagpipilian, na ginagawang madali na magpadala ng pera sa paraan na gusto mo.

Teknolohiyang Pinatatakbo ng Mga Tao

Ang Paxful ay ganap na peer-to-peer, na nangangahulugan na ang mga user namin ay nakikipagtrade sa mga tunay na tao—sa paraan na kung saan ang bitcoin ay nilalayong gamitin.

Libreng Crypto Wallet

Maaasahan, madaling gamitin, at hindi ka gagastos. Ang digital wallet namin ay nagbibigay sa bawat isa ng ligtas na lugar para itago ang kanilang kayamanan — nasaan ka man o saan ka man nagmula.

Ligtas

Ligtas at ang seguridad ay ang pinakamahalagang salik pagdating sa iyong pera. Lahat ng trade sa Paxful ay protektado ng aming serbisyo sa ligtas na escrow upang igarantiya ang kapayapaan ng pag-iisip.

#BuiltwithBitcoin

Sa Paxful, naniniwala kami na ang Bitcoin ay ang kinabukasan at behikulo para sa pagbabago. Ang Built with Bitcoin ay ang aming inisyatiba na maglaan ng mga oportunidad, pagpapaunlad ng mga buhay, at gawing mas magandang lugar ang daigdig para sa mga komunidad na pinakanangangailangan nito gamit ang Bitcoin.

Ang layunin? Magtayo ng 100 paaralan, mga pasilidad ng tubig, at mga incubator na pangnegosyo na ganap na pinopondohan ng Bitcoin. Kasalukuyan kaming nagtatayo ng aming ikaapat na paaralan at mayroon na lamang 96 na natitira!

Ang Built with Bitcoin ay tumulong din sa pamimigay ng tulong sa COVID-19 sa Aprika—dahil sa malaking kontribusyon mula sa aming mga user at mga kaibigan nakapagbigay kami ng pagkain, hand sanitizer, at ipang mga pamprotektang kagamitan sa mga nangangailangan.

Sumali sa amin! Sama-sama nating baguhin ang mundo.

Alamin ang Higit
Paxful CEO Ray Youseff
Paxful CEO Ray Youseff
Sumali sa Paxful

Ang Aming Team

4

Mga opisina sa buong mundo

200+

Mga empleyado naa gustong maging mas magandang lugar ang mundo

21

Mga wikang sinasalita sa aming pandaigdigang mga opisina

1

Layunin upang magtatag ng pantay na pinansiyal na access para sa lahat

Sumali sa Paxful Opisina ng Talinn ng Paxful
Opisina ng Talinn ng Paxful Opisina ng Paxful New York
Opisina ng Paxful sa Manila Paxful Hongkong

Mga Business Contact

Kung may suliranin ka sa suporta o gustong magbigay sa amin ng feedback tungkol sa kung paano namin mapapahusay ang aming mga produkto, gusto naming marinig ang higit tungkol . Gayunpaman, kung gusto mong kontakin ang Paxful tungkol sa ibang mga negosyong nauugnay sa mga tanong, available rin kami sa pamamagitan ng ibang mga channel.

Press at Marketing

Tulungan kaming ibalita ang tungkol sa Paxful sa pamamagitan ng press at marketing na mga inisyatiba. Kontakin kami para sa mga pagtatanong sa press sa [email protected].‎

Bug Bounty

Ang Bug Bounty Program ay nagbibigay sa iyo ng oportunidad na kumita ng reward sa pagtukoy sa teknikal na mga isyu. I-report ang mga ito sa [email protected]. Higit pang impormasyon dito.‎

Mga Corporate Account

Para magrehistro ng corporate account para sa mga negosyo ng trading sa Paxful, maaari kang mag-email sa [email protected]. Higit pang impormasyon dito.‎

Mga Pagbebenta at Pagsososyo

Para magtanong tungkol sa pagiging kasosyo. Ipaalam sa amin kung interesado ka sa pakikipagsosyo sa amin sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa [email protected].‎

Sumali sa Paxful
Sama-sama nating itatag ang kinabukasan
Sumali Sa Aming Kilusan

Gumawa ng sarili mong account sa Paxful at sumisid sa mundo ng crypto.