• Maaari ko bang withdrawhin ang mga bitcoin ko mula sa Paxful wallet patungo sa panlabas na wallet ko?

    Madali mong maipapadala ang iyong mga bitcoin mula sa iyong Paxful wallet patungo sapanlabas na wallet mula sa Wallet page. Sinusuportahan namin ang lahat ng pangunahing mga uri ng bitcoin wallet, gayunman, walang itinatangi.

    May tatlong format ng Bitcoin address na kasalukuyang ginagamit:

    1. P2PKH na mga address na nagsisimula sa numero 1.
      Halimbawa: 1BvBMSEYstWetqTFn5Au4m4GFg7xJaNVN2.
    2. Ang P2SH na mga address ay nagsisimula sa mga numero 3.
      Halimbawa: 3J98t1WpEZ73CNmQviecrnyiWrnqRhWNLy.
    3. Bech32 na mga aaddress na kilala rin bilang "bc1 addresses" simula sa bc1.
      Halimbawa: bc1qar0srrr7xfkvy5l643lydnw9re59gtzzwf5mdq.

    Ang Bech32 ay suportado ng karamihan sa mga software at hardware wallet, pero ilan lang sa mga platform ng palitan.

    Ang Paxful Wallet ay nagpapahintulot sa mga withdrawal patungo sa P2PKH at P2SH na mga wallet pero hindi pinahihintulutan ang mga withdrawal sa Bech32 na mga wallet.

    Kapag sinubukan mong magpadala ng BTC sa bech32 wallet, tatanggap ka ng susunod na mga error na mensahe: “Hindi kilalang bitcoin address.” Bilang solusyon, ipinapayo namin ang paggamit ng iba't ibang wallet para withdrawhin ang mga bitcoin.

    Bilang karagdagan, tingnan ang paano magpadala ng mga bitcoin mula sa iyong Paxful wallet at ang mga detalyen ng bayad sa Paxful.

  • Paano suriin ang status ng transaksyon ng bitcoin?

    Kapag nagpadala ka ng mga bitcoin mula sa isa isang Paxful wallet tungo sa isa pa, ang mga transaksyon ay mabilis. Gayunman, kapag gumawa ka ng mga transaksyon mula sa o patungo sa panlabas na wallet, maaaring kailanganin mo na subaybayan ang proseso. Narito kung paano suriin ang status ng mga transaksyon ng bitcoin:

    1. Tingnan ang ID ng transaksyon. Maaari mo itong makita sa history ng transaksyon ng pagpapadala ng wallet provider, o sakaling ATM, makikita mo ito sa screen at sa iyong resibo. Ganito ang magiging hitsura nito: e2e400094he873ec4af1c0ae7af8c3697aaace9f7f56564137dd1ca21b448502s

    2. Magpunta sa https://live.blockcypher.com/ o https://www.blockchain.com/explorer at i-type o i-paste ang ID ng transaksyon sa search field. Makikita mo kung gaano karaming kumpirmasyon mayroon ka.

      Kung mayroon itong tatlo o higit pang kumpirmasyon, ang recipient ay dapat may tumanggap ng mga pondo. Kapag ang transaksyon ay hindi pa lumitaw sa wallet ng recipient, kung gayon ay makipag-usap sa wallet provider ng recipient.

      Kung ang transaksyon ay may wala pang tatlong kumpirmasyon, ang mga pondo ay nag-iwan sa wallet ng pagpapadala ngunit ang transaksyon ay pinoproseso pa rin. Kapag sinabi ng transaksyon mo na “Walang Nakitang Transkasyon”, kung gayon ang transaksyon ay hindi kailanman umalis sa wallet ng pagpapadala. Sa kasong iyan, dapat mong kontakin ang service provider ng wallet ng sender.

    Tingnan ang aming guide kung paano magdeposito ng mga bitcoin sa Paxful wallet mo at kung paano magpadala ngmga pondo mula sa wallet mo. Bilang karagdagan, narito ang mabilis na pagsulyap sa bayad sa Paxful.

  • Pagtanggap at pagdeposito ng mga bitcoin

    Kapag nag-sign up ka sa Paxful, makakakuha ka ng libreng bitcoin wallet. Gamit ang libreng wallet na ito, makakakuha ka rin ng pangkalahatang Bitcoin address. Ang address na ito ay mukhang mahaba at kumplikadong password na may mga numero at letra (may malalaki at maliliit na titik) na walang malinaw na pagkakasunod-sunod.

    Ang adres na ito ay hindi kailanman mapapaso, kaya kopyahin lang at gamitin ito para makatanggap ng mga bitcoin mula sa ibang mga wallet o mga ATM ng Bitcoin. Maaari ka ring gumawa ng bagong Bitcoin address para sa karagdagang pagkapribado/seguridad. Maaari kang gumawa ng maraming Bitcoin addres hangga't gusto mo at gamitin iyon nang kahit ilang beses.

    Kapag nagpadala ng bitcoin ang ibang mga tao sa adres na ito, direkta itong papasok sa wallet mo. Hindi laging mabilis. Dahil ang mga transaksyon sa bitcoin ay hindi maibabalik at dahil dito, kailangang kumpirmahin ng Bitcoin ang transaksyon tatlong beses bago ilabas ang mga bitcoin sa wallet mo. Kaya maging mapagpasensya at maglaan nang sandali. Sa oras na maipadala na ang mga bitcoin, kailangan mong makakuha ng notipikasyon na nagsasabing “paparating na mga bitcoin sa 0 na kumpirmasyon” o "Hindi kumpirmado". Kapag ang bilang na iyon ay umabot nang 3, dapat mong tingnan ang mga bitcoin mo sa iyong wallet. Tatagal ito nang mula 20 minuto hanggang depende kung gaano karami ang tao sa network ng Bitcoin.

    Para magdeposito ng mga bitcoin sa Paxful wallet mo:

    1. Mag-login sa Paxful account mo at pindutin ang Wallet.
    Deposit1.png

    Ang page ng Wallet ay lilitaw.
    2. Kopyahin ang address ng wallet mula sa screen o pindutin ang KOPYAHIN ANG ADDRESS.
    Kung ang app o ATM na ginagamit mo sa pagpapadala ng mga bitcoin sa Paxful wallet mo ay may opsyon na i-scan ang QR-code, i-scan lang ang QR-code mula sa Paxful wallet mo.
    Screenshot_2020-02-06_at_15.23.38.png

    Tandaan:

    • Maaari mong pindutin ang Kumuha ng bagong address para gumawa ng bagong karagdagang address gamit ang bagong QR-code.
    • Karaniwang pagkatapos i-scan ang QR-code, mga app o ATM huwag gumawa ng agarang pagtransfer kundi i-download lang ang wallet address sa kanilang system. Kaya kapag ini-scan mo ang maling address, may pagkakataon ka pa ring kanselahin ang transaksyon.

     3. Ilagay ang wallet address ng Paxful wallet sa app, website o ATM. Kapag na-scan mo na ang QR-code, ang address ng wallet address mo ay awtomatikong lilitaw sa screen ng app o sa ATM.
    4. Kumpirmahin ang pagpapadala ng mga bitcoin sa Paxful wallet mo.

    Babala: Tiyakin na na ipinadadala mo ang mga bitcoin at walang anumang iba pang cryptocurrency (Litecoin, Bitcoin Cash, Ethereum, atbp.). Ang ganitong mga transaksyon ay magdudulot ng pagkawala ng pera mo.

    Tandaan:

    • Tiyakin na may sapat kang pondo sa pagpapadala ng wallet o ATM. Mag-ingat sa pinakamababang halaga ng transkasyon ng BTC.
    • Tandaan na ang taong nagpapadala ng bitcoin ang magbabayad ng singil sa transaksyon. karaniwan, ang halagang ipinadadala mo, ang halagang sisingilin sa iyo bilang singil sa network, ang kabuuang halagang binawas mula sa wallet mo ay malinaw na ipinakikita sa iyo bago mo kumpirmahin ang bitcoin transfer.

    Hintaying dumating ang BTC mo at simulan ang trading sa oras na handa ka na. Maaari mo ring laging ang status ng transaksyon ng bitcoin mo.

    Basahin ang higit sa paksang Bitcoin ATM o tingnan kung paano magpadala ng mga bitcoin mula sa Paxful wallet mo. Kung gusto mong simulan ang trading, tingnan ang sumusunod na mga gabay: paggawa ng mga alok sa pagbebenta at pagbebenta ng mga bitcoin.

  • Pagpapadala ng mga bitcoin

    Ang mga Paxful ay nag-aalok ng libreng serbisyo sa wallet para sa bitcoin. Isa sa mga alok ng serbisyong ito ay pahintulutan kang magpadala ng mga bitcoin sa panloob at panlabas na mga wallet ng cryptocurrency. Para magpadala ng mga bitcoin mula sa Paxful wallet mo:

    Maglog in sa Paxful account at pindutin ang Wallet.

    Deposit1.png
    Lilitaw ang Wallet page.
    2. Pindutin ang MAGPADALA NG BITCOIN.
    Screenshot_2020-02-06_at_17.53.35.png

    Ang Magpadala mula sa Paxful wallet na dialog box ay lilitaw.
    3. Ilagay ang halaga ng bitcoin sa Halaga ng BTC na field, ang bitcoin address ng recipient sa PATUNGO SA BITCOIN ADDRESS na field at pindutin ang Magpatuloy.
    send3.png
    4. Pindutin nang dalawang beses ang bitcoin address ng receiver at ang halaga na pinadadala mo. Sakaling pinagana mo ang 2FA para sa pagpapadala ng bitcoin, ilagay ang iyong 2FA one-time password sa 2FA Code na field at pindutin ang Ipadala ngayon ang bitcoin.
    send4.pngAng mga bitcoin mo ay matagumpay na naipadala at ikaw ay dinala sa Wallet page.

    Tandaan: Para lubhang maging tiyak sa status ng transaksyon, magpunta sa tab ng mga transaksyon at tingnan ang huli mong isinasagawang transaksyon. Kung nakipag-transaksyon ka sa taong walang Paxful wallet, basahin ang aming artikulo kung paano suriin ang status ng transaksyon para sa nasabing mga transfer.

    Babala: Kung ang bansa mo ay nasa OFAC grey list, ang pagpapadala ng bitcoin sa external wallet ay hihiling sa iyo na beripikahin ang ID mo.

    Para magpadala ng mga bitcoin sa iyong Paxful wallet basahin ang paano magdeposito ng mga bitcoin. Alamin ang higit tungkol sa  Mga singil sa Paxful wallet mula sa aming knowledgebase.


  • Pagwithdraw ng mga bitcoin

     Pagkatapos ng maraming matagumpay na trade, maaari kang magpasya na withdrawhin ang mga bitcoin mo mula sa Paxful wallet. Maaari itong gawin bilang pagpapadalang transaksyon sa panlabas na wallet. Maaari kang magpadala ng mga bitcoin mula sa iyong Wallet page

    Tingnan ang aming gabay para sa higit na impormasyon tungkol sa proseso. Gayundin, alamin ang mga uri ng Bitcoin address na sinusuportahan namin at tandaan ang bayad sa wallet namin.  

  • Pagkuha ng bagong Bitcoin wallet address

    Kapag nag-sign up ka sa Paxful, makakakuha ka ng libreng wallet. Gamit ang libreng wallet na iyon, magkakaroon ka ng default na address ng Bitcoin. Gayunpaan, para mapakinabangan ang pagkapribado, maaaring kailangan mo ng bagong address ng Bitcoin sa tuwing tatanggap ka ng deposito. Tutulungan ka ng maikling gabay na ito na maunawaan kung paano binubuo ang karagdagang mga address ng wallet sa Paxful account mo.

    Hakbang 1

    Mag-login sa account mo at pindutin ang “Wallet”.

    Newaddress1.png

    Hakbang 2

    Pindutin ang “Kumuha ng bagong address”.

    Newaddress2.png

    Tandaan:

    - Posibleng lang bumuo ng bagong address kung ang dating address na ginamit: tumanggap ng BTC mula sa wallet na hindi Paxful o ATM!

    Hakbang 3

    Sa pop-up window, makikita mo ang bagong address at QR-code. Kopyahin ang mga ito at gamitin sa paraan na nais mo.

    Newaddress3.png

    Mga kapaki-pakinabang na tip:

    - Kapag hindi mo na-save ang bagong QR-code, bago matanggap ang anumang mga panlabas na transaksyon sa bago mong address, pindutin ang Kumuha ng bagong address" at makikita mo ito sa pop-up window.

    NewAddress4_.png

  • Ligtas ba ang Paxful wallet ko?

    Ginagamit namin ang BitGo bilang wallet service provider, na isa sa pinakaligtas at high-tech na serbisyo sa merkado. Karagdagan pa, nagbibigay kami ng lahat ng paraan para protektahan ang mga pondo mo sa loob ng Paxful account mo. Gayunman, ang pangkalahatang seguridad para sa iyong Paxful wallet ay depende sa mga desisyong ginagawa mo.

    Hindi lang natutugunan ng aming napakaligtas na mga server ang pinakamahigpit na mga kinakailangan sa pagsunod kundi bilang karagdagang layer ng seguridad, ang two-factor authentication ay maaaring mapagana sa tuwing maglo-log-in ka sa account mo at kapag nagpadala ka ng mga bitcoin. Maaari naming suportahan ang Google Authenticator, Authy, at SMS batay sa two-factor authentication. Kahit na nag-aalok kami ng lahat ng binanggit na mga pamamaraan ng seguridad, ikaw ang kailangang magtakda ng matibay na password, ligtas na itago iyon at piliing i-activate ang two-factor security para sa account mo at mga transaksyon.

    Kapag pinag-uusapan ang seguridad, mag-ingat sa alinmang mga phishing site. Laging tiyakin na nasa https://paxful.com/ ka bago mo ilagay ang anumang mga detalye o ibang sensitibong impormasyon. Huwag kailanman ibahagi ang detalye ng iyong account sa sinuman. HINDI humihingi ang Paxful support ng password ng account mo o ng one-time password. Tandaan na walang Skype o support sa telepono ang Paxful. Imposibleng matanggal ng Paxful ang lahat ng phishing website, kaya, bilang user dapat kang maging mapagbantay at alamin kung paano poprotektahan ang sarili mo mula sa mga scammer.

    Basahin ang higit pa tungkol sa kung paano poprotektahan ang wallet mo sa gabay ng aming seguridad/0>. 

  • Bakit ang halagang ipinadala ay maaaring kakaiba mula sa natanggap?

    Habang nagpapadala ng mga bitcoin mahalagang tandaan ang mga singil sa transaksyon at ang posibleng mga dipedensiya sa rate ng currency.

    Isipin natin na kailangan mong magpadala ng 0.05 BTC sa sa pang wallet.

    Pagpapadala ng BTC sa pagitan ng mga Paxful wallet.

    Kapag pinadala mo ang halagang ito sa Paxful wallet, nangangahulugan ito na gumagawa ka ng panloob na transaksyon sa Paxful. Walang bayad sa unang limang transaksyon kada buwan. Pagkatapos nito, ang singil na  - 1 USD o 1% ng halagang ipinadala, alinman ang mas malaki, ay sisingilin. Kaya ang halagang binawas mula sa wallet mo ay magiging eksaktong 0.05 BTC (0.05 BTC + 1 USD simula sai ka-6 na transaksyon kada buwan). Ang deperensiya ng rate ng currency ay hindi mababagoe. Kapag habang nagpapadala ng 0.05 BTC ito ay magiging katumbas ng 100 USD, makikita ng tatanggap ang parehong rate pagkatapos matanggap ang transaksyon. Dahil ito sa katotohanan na ang mga transaksyon sa loob ng Paxful ay madalian. Kaya ang epekto ng pagtataas at pagbaba ng currency ay tinatanggal sa nasabing panloob na mga transaksyon ng wallet.

    Pagpapadala ng BTC sa pagitan ng Paxful at panlabas na mga wallet.

    Ang pagpapadala ng pondo sa panlabas na wallet ay magkakaroon ng hindi nababagong singil sa transaksyon ng Paxful na 0.0005 BTC. Kaya sa aming halimbawa, kung nagpadala ka ng 0.05 BTC sa panlabas na wallet, ang kabuuan ng 0.0505 BTC ay babawasin mula sa wallet mo. Ang rate ng currency ay magiging iba rin mula sa isa na makikita ng tumatanggap ang kanilang wallet. Bakit?

    1. 0.05 BTC sa Paxful wallet ay maaaring katumbas ng 100 USD, sa isa pang serbisyo ng wallet magiging katumbas ito ng 101 USD o 99 USD, halimbawa.
    2. Maaaring tumagal ng ilang minuto ang panlabas na mga transaksyon. Sa timeframe na ito, ang halaga ng bitcoin ay maaaring magbago. Wala ito sa kontrol ng anumang serbisyo ng cryptocurrency. Kaya kung sa Paxful wallet mo, ang 0.05 BTC ay lilitaw bilang 105 USD, sa wallet ng tumatanggap ito ay maaaring lumitaw na mas mababa o higit , halimbawa, 100 USD o 115 USD, dahil sa pagbaba o pagtaas sa halaga ng bitcoin. Tandaan na nagpapadala ka ng mga bitcoint at hindi halaga ng fiat. Kaya ng tumatanggap ay makakatanggap pa rin ng 0.05 BTC sa kasong ito.
    3. Ang ilan sa mga serbisyo ng wallet ay maaaring magkaroon ng bayad sa deposito. Sa ibang salita, mula sa iyong 0.0505 BTC na binawas mula sa iyong Paxful wallet ang 0.05 BTC ay ipapadala sa tumatanggap. Gayunman, tanging 0.0495 BTC ang matatanggap sa account ng recipient dahil sa bayad sa deposito na 0.0005 BTC. Hindi sumisingil ang Paxful ng anumang bayad sa deposito.
  • Maaari bang kanselahin o ibalik ang transaksyon ko ng bitcoin?

    Sa kasawiang palad, hindi maaaring kanselahin ng Paxful o ibalik ang mga transaksyon sa bitcoin mo.

    Dahil ang mga transaksyon sa Bitcoin network ay dinisenyo na hindi maibabalik at wala kaming kontrol sa mga iyon. Magagamit ito sa lahat ng kaso:

     

    • Kung na-hack ka at may nagpadala sa iyo ng mga barya.
    • Kapag nagpadala ka ng BTC sa maling address ng Bitcoin.
    • Kapag nagkamali kang ilabas ang mga bitcoin sa trade.
    • Kapag na-scam ka.

     

    Sa oras na maipadala na ang mga bitcoin, hindi na maaaring ibalik ang mga iyon. Basahin ang aming patnubay ng seguridad para dagdagan ang proteksyon ng iyong pondo.

    Kung gusto mo pa ring subukan ang pagsubaybay sa address kung saan mo aksidenteng naipadala ang Bitcoin, maaari mong gamitin ang mga tool tulad ng Block Explorer. Kung aksidente mong nailabas ang bitcoin sa kasosyo sa trade o kung sa tingin mo ay na-scam ka ng ibang user ng Paxful, huwag mag-atubiling kontakin ang aming Support.



     

  • Pinakamababang limit para sa mga transkasyong BTC

    Bago gumawa ng anumang mga transaksyon o pagdeposito ng mga bitcoin sa iyong Paxful wallet, mahalagang malaman ang iyong pinakamababang halaga ng BTC na pinahintulutan ng blockchain network para sa transaksyon.

    Sa kasalukuyan, ang pinakamaliit na halaga ng bitcoin na maaari mong ipadala o matanggap sa transaksyon ay 5460 Satoshis, na katumbas ng 0.0000546 BTC.

    Isa sa mga dahilan sa likod ng limitasyong ito ay iwasan ang pag-spam ng mga transaksyon.

    Tingnan ang aming artikulo kung paano magdeposito ng mga bitcoin, magwithdraw ng mga bitcoin mula sa iyong wallet at galugarin ang aming mga sunod-sunod na gabay sa pagpapadala ng mga bitcoin mula sa isang wallet patungo sa isa pa.

  • Gaano tatagal para makatanggap ng transaksyon ng bitcoin?

    Hindi laging mabilis ang transfer. Bigyan ng ilang sandali ang Bitcoin network para iproseso ang transaksyon mo.

    Tatagal nang tatlong kumpirmasyon mula sa network bago maging ganap na available ang wallet mo. Ito ang pamantayan ng industriya para tunay na ligtas na wallet. Tatagal kahit saan nang lima hanggan isang oras, depende sa network ng bitcoin.

    Narito ang mga factor na nakakaapekto sa bilis ng mga transaksyon ng bitcoin:

    • Singil ng minero. Mas mataas ang singil ng minero na pinili mong bayaran, mas mataas ang prayoridad ng transaksyon mo sa loob ng blockchain.

    Tandaan: Ang Paxful ay sumisingil nang bayad na hindi nababago para sa panlabas na mga transaksyon. Ibig sabihin nito ay itinuturing na patas ang lahat ng papalabas na mga transaksyon.

    • Ang blockchain processor service na ginagamit mo (na provider mo). Ang Paxful ay gumagamit ng mga serbisyo ng BitGo - ang pinakaligtas at matagumpay na serbisyong nagpoproseso ng blockchain sa mundo. Kapag inilipat mo mula sa Paxful wallet mo ang panlabas na wallet na gumagamit din ng BitGo, makabuluhang pinahuhusay nito ang bilis ng transaksyon mo.

    • Lahat ng transaksyon na isinigawa sa pagitan ng mga Paxful wallet ay mabilis.

    Alamin ang higit tungkol sa paano suriinang status ng transaksyon ng bitcoin.