• Paggawa ng alok para bumili ng bitcoin

    Para magtakda ng mga tuntunin mo sa personal na palitan at magtatag ng daloy ng mga trade, kailangan mong lumikha ng sarili mong mga alok. Ang patnubay na ito ay nagbibigay sa iyo ng pananaw kung paano lilikha ng alok para bumili ng mga bitcoin sa Paxful. Kung interesado ka sa umiiral na mga alok ng ibang mga trader ng Paxful, tingnan ang gabay namin sa pagbili ng mga bitcoin.

    Bago kami magsimula, tiyakin na mayroon kang ginawang account. Ang Paxful ay nagbibigay ng libreng Bitcoin wallet sa oras ng pag-sign up. Sa oras makapag-sign up ka na, awtomatiko kang bibigyan ng wallet

    Tandaan: Para makagawa ng alok, kailangan mong beripikahin ang ID .

    Video

    Narito ang maikling video kung paano agad makakagawa ng alok:

    Hakbang 1 Paraan ng pagbabayad

    1. Maglog in sa Paxful account at pindutin ang Gumawa ng Alok.

    1.2.pngAng Gumawa ng Alok na page ay lilitaw.

    2. Piliin ang Bumili ng Bitcoin uri ng alok.
    2.2.png

    3. Pumili ng paraan ng pagbabayad.

    Pumili kung paano mo gustong bumili ng bitcoin:

    • Pumili ng grupo ng pagbabayad mula sa kaliwang kahon.
    • Pumili ng eksaktong paraan ng pagbabayad mula sa listahan sa gitna.
    • Kung hindi ka sigurado kung saan kabilang ang iyong grupo ng pagbabayad, maaari mo ring hanapin ang mga paraan ng pagbabayad sa bar ng paghahanap. I-type lang ang salitang Hanapin ang lahat ng paraan ng pagbabayad field at opsyon ay lilitaw sa listahan. Kapag ang paraan ng pagbabayad mo ay nakarehistro na, lilitaw ito para piliin mo ito.

    3.2.png

    Tandaan: Hindi makita ang paraan ng pagbabayad na napili mo? bago sa pamamagitan ng pagpindot sa Pindutin dito para magmungkahi ng bago na link.

    4. Piliin ang currency mo mula sa Napiling currency na drop-down list.

    4.2.png

    Tandaan:

    • Tanging isang currency kada alok lang ang pinapayagan. 
    • Gamit ang mga bank transfer, mahalagang ilagay ang pangalan ng bangko at ang bansa kung saan nakarehistro ang bank account mo. Makatutulong ito sa anumang mga hindi pagkakaunawaan sa iyong potensiyal na mga kasosyo sa trade.

    5. Tingnan ang lahat ng mga detalye ay tama at pindutin ang Susunod na hakbang para magpatuloy.
    5.2.png

    Hakbang 2 Profit margin & mga trade limit

    1. Piliin kung magkano ang gusto mong kitain sa bawat pagpili sa pamamagitan ng paglalagay ng numero sa margin field.

    6.2.png

    Magtakda ng porsiyento alinsunod sa presyo ng merkado ng bitcoin at ng iyong personal na intensyon sa pakikipagtrade. Ang porsiyentong ito ay maaaring maging negatibo at positibo. Maaari mong basahin ang higit tungkol sa margin dito. Makikita mo sa screen ang malinaw na paliwanag kung magkano ang kikitain mo alinsunod sa porsiyentong napili.

    Tandaan:

    • Huwag magtakda n napakababa o napakataas para makaakit sa mga customer at makipagnegosasyon sa presyo sa loob ng trade. Ito ay laban sa aming Mga Termino ng Serbisyo.
    • Ang mga nagbebenta ng Bitcoin ay naghahanap ng pinakamagagandang presyo + rating ng user. Pumili ng porsiyento ng margin na sa tingin mo ay pahahalagahan ng iyong target audience. Ang positibong porsiyento ng ay ipinapayo kapag lumilikha ng alok para bumili ng bitcoin.
    • Bilang default, nag-aalok kami ng presyo ng bitcoin na katamtaman sa ask price sa pagitan ng Coinbase, Bitstamp, Bitfinex. Para sa higit na flexibility gamit ang bitcoin rate click Ilipat sa advanced mode.

    2. Magtakda ng mga limit ng alok sa trade sa pamamagitan ng paglalagay ng mga numero sa Pinakamababang halaga ng trade and Pinakamataas na halaga ng trade na mga field.
    7.2.png
    Here you can choose how much bitcoin in fiat currency you want to buy.

    Tandaan: Maaari kang magtakda ng saklaw o pindutin ang Gamitin ang eksaktong halaga para magtakda ng sum na interesado ka. Kapag nasimulan na ang trade, ang eksaktong katumbas ng trade sa BTC ay inilipat sa escrow.

    3. Pumili ng limit ng oras ng alok sa pamamagitan ng paglalagay ng numero sa minuto na field.
    8.2.png

    Ipinahihiwatig nito ang dami ng oras na mayroon ka para gumawa ng bayad. Kapag hindi mo pinindot ang Bayad na bago mapaso ang window ng bayad, ang trade ay awtomatikong kakanselahin.

    4. Tingnan ang lahat ng mga detalye ay tama at pindutin ang Susunod na hakbang para magpatuloy.
    9.2.png

    Hakbang 3 Mga Termino & mga tagubilin


    1. Pumili ng mga tag ng alok mula sa Mga tag ng alok sa drop-down list.
    10.2.png

    Ang mga tag ng alok ay lilitaw katabi ng pangalan ng paraan ng pagbabayad sa listahan ng mga alok. Ito ay dapat isang bagay na nakatutulong upang personalisahin ang alok mo, magdagdag ng karagdagang impormasyon dito. 

    Halimbawa: Lahat ng mga bank transfer, Instant na pagbabayad, kinakailangan ng pangmatagalang buyer.

    Tandaan: Hindi mahanap ang tag na hinahanap mo? Magmungkahi ng bago sa pamamagitan ng pagpindot sa Magmungkahi ng bago sa amin na link.

    2. Gumawa ng mga label ng alok mo. I-type ang mga iyon sa Label ng iyong alok na field.
    11.2.png

    Ang mga label ng alok ay lilitaw sa uri ng paraan ng pagbabayad at sa iyong tag. Maaari kang pumili ng mahigit isang label. Ang mga label ay ginagamit para makakuha ng atensyon sa pinakamahalagang paglalarawan ng iyong alok. 

    Halimbawa: hindi kailangan ng beripikasyon ng ID mo, mabilis na paglalabas, resibong kinakailangan at higit pa.

    Tandaan: Para sa mga Bank Transfer ang pangalan ng bangko ay ginagamit sa halip na label.

    3. Isulat ang mga termino ng alok para sa mga seller. I-type ang mga iyon sa field na Mga termino ng alok para sa seller.
    12.2.png

    Ang impormasyong ito ay ipapakita sa publiko sa iyong alok. Magkakaroon ito ng maikli at malinaw na mga detalye: gusto mo bang magbigay ang seller ng litrato ng kanyang ID? May resibo ba o ibang dokumentong kailangan? Gusto mo bang iproseso ang paraan ng pagbabayad sa tiyak na paraan? Hihingi ka ba ng sapat na roas para maproseso ang pagbabayad? Tingnan ang higit pang impormasyon dito.

    4. Isulat ang mga tagubilin ng trade. I-type ang mga iyon sa field na Mga Tagubilin ng trade.

    13.2.png

    Ang mga tagubilin ng trade ay makikita sa oras na magsimula na ang trade. Ito ay magiging malinaw na sunod-sunod na hakbang para sa iyong potensiyal na kasosyo sa trade. Basahin ang higit na impormasyon dito.

    5. Pumili kung kailangan mo ng pagsasala sa beripikasyon para sa mga kasosyo mo sa trade s pamamagitan ng pagpili ng Beripikasyon sa checkbox.

    14.2.png

    Ang pakikipagtrade sa mga beripikadong user ay nakatutulong para makaiwas sa mga iresponsableng user. Gayunman, ang bilang ng mga pontensiyal na user mo ay magiging mas mababa dahil ang ilan sa mga user ay nais na panatilihing online ang kanilang pagkapribado.

    Bilang opsyonal, pindutin ang Advanced na mga opsyon para sa ilang karagdagang mga setting:

    • Pumili ng target na bansa mula sa Target na bansa na drop-down list.
      Maaari kang pumili ng mga bansa kung saan gusto mong makakuha ng mga kasosyo mo sa trade. 
    • I-adjust ang pagkanakikita ng alok sa pamamagitan ng pagpili sa Ipakita ang alok na ito sa mga user na iyong pinagkakatiwalaang listahan na checkbox.
      Ang pagkanakikita ay maaaring itakda para sa iyong pinagkakatiwalaang mga user lang. Kapaki-pakinabang ito kung may listahan ka ng mga trader na markado bilang mapagkakatiwalaan at gusto mo lang makipagtrade sa grupo ng mga taong ito.
    • Itakda ang pinakababang halaga ng mga trade na kinakailangan sa pamamagitan ng pag-type sa numero sa Mga pinakamababang trade na kinakailangan field.
      Magagamit ito kapag gusto mo lang makipagtrade sa makaranasang mga user ng Paxful. Itakda ang minimum na sa tingin mo ay balido.
    • Itakda ang limit ng fiat para sa mga bagong account sa pamamagitan ng pag-type sa numero sa Fiat limit para sa mga bagong account na field.
      Maaari mong gamitin ang opsyon upang hindi isapanganib ang malaking halaga gamit ang mga user ng ilang mga trade at mababang reputasyon.
    • Itakda ang mga limitasyon ayon sa mg bansa. Pumili ng opsyon mula sa Limitasyon ayon sa mga bansa na listahanat ilagay ang bansa sa field sa ibaba.
      Maaari mong ipakita ang iyong alok o itago ang mga customer mula sa mga tiyak na bansa. Nauugnay ito sa IP address at pagdetect sa matalinong bansa.
    • I-adjust ang Proxy/VPN na mga limitasyon sa pamamagitan ng pagpili ng opsyon mula sa Proxy/VPN na mga limitasyon na listahan. Maaari kang pumili kung ang trade kasama ang laat ng user o iwasan ang mga iyon gamit ang VPN at Anonymizer.

    15.2.png

    6. Tingnan ang lahat ng mga detalye ay tama at pindutin ang Lumikha ng alok para magpatuloy.
    16.2.png

    Tandaan:

    • Maaari kang laging bumalik sa unang hakbang sa pamamagitan ng pagpindot sa Unang hakbang na button.
    • Maaari mong palitan at i-edit ang alok mo sa susunod.
    • Ang alok ay hindi pwedeng palitan sa oras na makapagsimula na ang trade.
    • Sa oras na magawa naang trade, pwede mo itong tingnan sa dashboard. Gamitin ang Vendor dashboard para i-edit at pangasiwaan ang iyong mga alok.

    Ang alok mo ay ginawa. Hintayin ang mga seller para simulan ang trade. 

    Tingnan ang aming Mga Termino ng Serbisyo at tips para bumili ng bitcoin. Sakaling may anumang mga problema, huwag mag-atubiling makipag-ugnay sa amin sa Support.



  • Paggawa ng alok para magbenta ng bitcoin

    Para magtakda ng mga tuntunin mo sa personal na palitan at magtatag ng daloy ng mga trade, kailangan mong lumikha ng sarili mong mga alok. Ang patnubay na ito ay nagbibigay sa iyo ng pananaw kung paano lilikha ng alok para magbenta ng mga bitcoin sa Paxful. Kung interesado ka sa umiiral na mga alok ng ibang mga trader ng Paxful, tingnan ang patnubay sa pagbebenta ng mga bitcoin.

    Bago ka magsimula, tiyakin na gumawa ka ng account. Ang Paxful ay nagbibigay ng libreng Bitcoin wallet sa oras ng pag-sign up. Sa oras makapag-sign up ka na, awtomatiko kang bibigyan libreng wallet

    Tandaan: Para makagawa ng alok, kailangan mong beripikahin ang ID .

    Video

    Narito ang maikling video kung paano agad makakagawa ng alok:

    Hakbang 1 Paraan ng pagbabayad


    1. Maglog in sa Paxful account at pindutin ang Gumawa ng Alok.

    1.2.png

    Ang Gumawa ng Alok na page ay lilitaw.

    2. Piliin ang Magbenta ng Bitcoin na uri ng alok.
    2.2.png
    3. Pumili ng paraan ng pagbabayad.

    Pumili kung paano mo gustong magbenta ng bitcoin:

    • Pumili ng grupo ng pagbabayad mula sa kaliwang kahon.
    • Pumili ng eksaktong paraan ng pagbabayad mula sa listahan sa gitna.
    • Kung hindi ka sigurado kung saan kabilang ang iyong grupo ng pagbabayad, maaari mo ring hanapin ang mga paraan ng pagbabayad sa bar ng paghahanap. Simulan lang ang pagtype ng salita sa Hanapin ang lahat ng paraan ng pagbabayad na field at ang opsyon ay lilitaw sa listahan. Kapag ang paraan ng pagbabayad mo ay nakarehistro na, lilitaw ito para piliin mo ito.

    3.2.png

    Tandaan:

    • Tandaan ang escrow fee para sa napiling paraan ng pagbabayad.
    • Hindi makita ang paraan ng pagbabayad na napili mo? bago sa pamamagitan ng pagpindot sa Pindutin dito para magmungkahi ng bago na link.

     4. Piliin ang currency mo mula sa Napiling currency na drop-down list.
    4.2.png

    Tandaan:

    • Tanging isang currency kada alok lang ang pinapayagan.
    • Gamit ang mga bank transfer, mahalagang ilagay ang pangalan ng bangko at ang bansa kung saan nakarehistro ang bank account mo. Makatutulong ito sa anumang mga hindi pagkakaunawaan sa iyong potensiyal na mga kasosyo sa trade.

     5. Tingnan ang lahat ng mga detalye ay tama at pindutin ang Susunod na hakbang para magpatuloy.
    5.2.png

    Hakbang 2 Profit margin & mga trade limit

    1. Piliin kung magkano ang gusto mong kitain sa bawat pagpili sa pamamagitan ng paglalagay ng numero sa margin field.
    6.2.2.png

    Magtakda ng porsiyento alinsunod sa presyo ng merkado ng bitcoin at ng iyong personal na intensyon sa pakikipagtrade. Ang porsiyentong ito ay maaaring maging negatibo at positibo. Maaari mong basahin ang higit tungkol sa margin dito. Makikita mo sa screen ang malinaw na paliwanag kung magkano ang kikitain mo alinsunod sa porsiyentong napili.

    Tandaan:

    • Huwag magtakda n napakababa o napakataas para makaakit sa mga customer at makipagnegosasyon sa presyo sa loob ng trade. Ito ay laban sa aming Mga Termino ng Serbisyo.
    • Madalas naghahanap ang mga buyer ng pinakamagandang presyo at napakakagandang rating ng seller. Pumili ng porsiyento ng kita na sa tingin mo ay kaakit-akit para sa mga target na buyer. Ang porsiyento ng negatibong margin ay ipinapayo kapag lumilikha ng alok para magbenta ng bitcoin.
    • Bilang default, nag-aalok kami ng presyo ng bitcoin na katamtaman sa ask price sa pagitan ng Coinbase, Bitstamp, Bitfinex. Para sa flexibility gamit ang bitcoin rate click Ilipat sa advanced mode.

     2. Itakda ang mga offer trade limit sa pamamagitan ng paglalagay ng mga numero sa Minimum na halaga ng trade at Maximum na halaga ng trade na mga field.
    7.2.png

    Dito pwede kang pumili kung magkanong bitcoin sa fiat currency ang gusto mong ibenta.

    Tandaan: Maaari kang magtakda ng saklaw o pindutin ang Gamitin ang eksaktong halaga para magtakda ng sum na interesado ka. Kapag nasimulan na ang trade, ang eksaktong katumbas ng trade sa BTC ay inilipat sa escrow.

     3. Pumili ng offer time limit sa pamamagitan ng paglalagay ng numero sa na minuto na field.
    8.2.png

    Ipinahihiwatig nito ang dami ng oras na mayroon ang kasosyo mo sa trade para gumawa ng bayad. Kapag hindi pinindot ng buyer ang Bayad na bago mapaso ang window ng bayad, ang trade ay awtomatikong kakanselahin.

    4.  Tingnan ang lahat ng mga detalye ay tama at pindutin ang Susunod na hakbang para magpatuloy.
    9.2.png

    Hakbang 3 Mga Termino & mga tagubilin

    1. Pumili ng mga tag ng alok mula sa Mga tag ng alok sa drop-down list.
    10.2.png

    Ang mga offer tag ay lilitaw malapit sa pangalan ng paraan ng pagbabayad sa listahan ng mga alok. Ito ay dapat isang bagay na nakatutulong upang personalisahin ang alok mo, magdagdag ng karagdagang impormasyon dito.

    Halimbawa: Lahat ng mga bank transfer, Instant na pagbabayad, kinakailangan ng pangmatagalang buyer.

    Tandaan:Hindi mahanap ang tag na hinahanap mo? Magmungkahi ng bago sa pamamagitan ng pagpindot sa Magmungkahi ng bago sa amin na link.

    2. Gumawa ng mga label ng alok mo. I-type ang mga iyon sa Label ng iyong alok na field.
    11.2.png

    Ang mga label ng alok ay lilitaw sa uri ng paraan ng pagbabayad at sa iyong tag. Maaari kang pumili ng mahigit isang label. Ang mga label ay ginagamit para makakuha ng atensyon sa pinakamahalagang paglalarawan ng iyong alok.

    Halimbawa: hindi kailangan ng beripikasyon ng ID mo, mabilis na paglalabas, resibong kinakailangan at higit pa.

    Tandaan: Para sa mga Bank Transfer ang pangalan ng bangko ay ginagamit sa halip na label.

    3. Sumulat ng mga termino ng alok para sa mga buyer. I-type ang mga iyon sa field na Mga termino ng alok para sa buyer na field.
    terms_for_buyer.png

    Ang impormasyong ito ay ipapakita sa publiko sa iyong alok. Magkakaroon ito ng maikli at malinaw na mga detalye: gusto mo bang magbigay ang buyer ng litrato ng kanyang ID? May resibo ba o ibang dokumentong kailangan? Gusto mo bang iproseso ang paraan ng pagbabayad sa tiyak na paraan? Hihingi ka ba ng sapat na roas para maproseso ang pagbabayad? Tingnan ang higit na impormasyon dito.

    4. Isulat ang mga tagubilin ng trade. I-type iyon sa Mga tagubilin ng trade na field.
    13.2.png

    Ang mga tagubilin ng trade ay makikita sa oras na magsimula na ang trade. Ito ay magiging malinaw na sunod-sunod na hakbang para sa iyong potensiyal na kasosyo sa trade. Basahin ang higit na impormasyon dito.

    5. Piliin kung kailangan mo ng filter ng beripikasyon para sa mga kasosyo mo sa trade sa pamamagitan ng pagpili sa Beripikasyon na checkbox.
    14.2.png
    Ang pakikipagtrade sa mga beripikadong user ay nakatutulong para makaiwas sa mga iresponsableng user. Gayunman, ang bilang ng mga pontensiyal na user mo ay magiging mas mababa dahil ang ilan sa mga user ay nais na panatilihing online ang kanilang pagkapribado.

    Bilang opsyonal, pindutin ang Advanced na mga opsyon para sa ilang karagdagang mga setting:

    • Pumili ng target na bansa mula sa Target na bansa na drop-down list.
      Maaari kang pumili ng mga bansa kung saan gusto mong makakuha ng mga kasosyo mo sa trade. 
    • I-adjust ang pagkanakikita ng alok sa pamamagitan ng pagpili sa Ipakita ang alok na ito sa mga user na iyong pinagkakatiwalaang listahan na checkbox.
      Ang pagkanakikita ay maaaring itakda para sa iyong pinagkakatiwalaang mga user lang. Kapaki-pakinabang ito kung may listahan ka ng mga trader na markado bilang mapagkakatiwalaan at gusto mo lang makipagtrade sa grupo ng mga taong ito.
    • Itakda ang pinakababang halaga ng mga trade na kinakailangan sa pamamagitan ng pag-type sa numero sa Mga pinakamababang trade na kinakailangan field.
      Magagamit ito kapag gusto mo lang makipagtrade sa makaranasang mga user ng Paxful. Itakda ang minimum na sa tingin mo ay balido.
    • Itakda ang limit ng fiat para sa mga bagong account sa pamamagitan ng pag-type sa numero sa Fiat limit para sa mga bagong account na field.
      Maaari mong gamitin ang opsyon upang hindi isapanganib ang malaking halaga gamit ang mga user ng ilang mga trade at ang mababang reputasyon.
    • Itakda ang mga limitasyon ayon sa mg bansa. Pumili ng opsyon mula sa Limitasyon ayon sa mga bansa na listahanat ilagay ang bansa sa field sa ibaba.
      Maaari mong ipakita ang iyong alok o itago ang mga customer mula sa mga tiyak na bansa. Nauugnay ito sa IP address at pagdetect sa matalinong bansa.
    • I-adjust ang Proxy/VPN na mga limitasyon sa pamamagitan ng pagpili ng opsyon mula sa Proxy/VPN na mga limitasyon na listahan. Maaari kang pumili kung ang trade kasama ang laat ng user o iwasan ang mga iyon gamit ang VPN at Anonymizer.

    15.2.png

    6. I-configure ang seetings ng iyong kiosk trade sa pamamagitan ng pagpili mula sa listahan. Para i-activate ang Kiosk trade settings na listahan, pindutin ang Palitan ang settings.
    16.2.png

    Ang mga Kiosk trade mula sa mga Paxful Kiosk ay ipinatupad sa mga website ng kasosyo. Ang mga kiosk na ito ay nagpapahintulot sa mga customer na bumili ng bitcoin mula sa mga vendor ng Paxful mula sa labas ng Paxful platform. Nangangahulugan ito na higit na paparating na trade para sa iyo. Ang mga customer na ito ay karaniwang walang mga dating trade at marahil ay hindi pa nakakagawa ng profile o nakumpletong beripikasyon ng ID. May opsyon ka para magpasya kung papayagan o hindi ang nasabing mga trade at magtakda ng mga pasadyang mga tuntunin para sa kanila.

    7. Suriin kung ang lahat ng mga detalye ay tama at pindutin ang Gumawa ng alok para magpatuloy.
    17.2.png

     

    Tandaan:

    • Maaari kang laging bumalik sa unang hakbang sa pamamagitan ng pagpindot sa Unang hakbang na button.
    • Maaari mong palitan at i-edit ang alok mo sa susunod.
    • Ang alok ay hindi pwedeng palitan sa oras na makapagsimula na ang trade.
    • Sa oras na magawa naang trade, pwede mo itong tingnan sa dashboard. Gamitin ang Vendor dashboard para i-edit at pangasiwaan ang iyong mga alok.

    Ang alok mo ay ginawa. Hintayin ang mga buyer para simulan ang trade.

    Tingnan ang aming Mga Termino ng Serbisyo at mga tuntunin para bumili ng bitcoin. Sakaling may anumang mga problema, huwag mag-atubiling makipag-ugnay sa amin sa Support.

  • Margin. Paano ito gumagana.

    Para simulan ang trading sa Paxful, mahalagang maunawaan kung paano gagamitin ang margin para gumawa ng kaakit-akit at kumikitang mga alok. Ang Margin ay maaari lang itakda sa pamamagitan ng alok ng may-ari at hindi na ito mababago sa oras na magsimula ang trade. Ang alok ng may-ari o vendor ay maaaring bumili o magbenta ng mga bitcoin sa mahigit 350 paraan ng pagbabayad na available sa Paxful. 

    Ang Paxful ay nagbibigay ng oportunidad na magtakda ng positibo at negatibong margin para sa bawat alok. 

    Positibong margin: 

    Isipin natin kung gusto mong ipalit ang mga bitcoin mo sa pera nang direkta. Sa kasong ito, maaari kang gumawa ng alok na pagbebenta para sa bank transfer. Nagpasya kang gusto mong kumita ng 25% ng kita. Para gawin iyon, magtakda ka ng 25%. Bilang resulta, magtakda ka ng margin na 20%. Bilang resulta, ang nagbebenta ng mga bitcoin ay makakakuha ng 125% ng halaga ng transfer.

    Halimbawa, ang trade para sa 100 USD bank transfer ay isinagawa. Kaya ang 100 USD ay 125%.

    Ang nagbebenta ng Bitcoin ay nagbabayad ng 100% sa bumibili. Kuwentahin natin kung magkano ang 100% mula sa 125%:

    100/125 = 0.8

    Nangangahulugan ito na ang bumibili ay makakakuha ng 0.8 USD na halaga ng Bitcoin sa bawat dolyar ng kanyang bank transfer.

    Sa ibang salita, ang bumibili ay makakakuha ng 80 USD na halaga ng Bitcoin, ang vendor ay makakakuha ng 100 na halaga ng transfer at makatitipid ng 20 USD na halaga ng Bitcoin mula sa trade na ito.

    Tandaan: Ang bayad sa escrow ay laging kasama sa kabuuang presyo ng pagbebenta. Ang bayad sa escrow ay idadagdag sa porsiyento ng margin kapag nagsimula ang trade.

    Negatibong margin: 

    Sabihin nating gusto mong lumikha ng alok para bumili ng mga bitcoin para sa mga gift card mo. Nagpasya kang maging kaakit-akit ang alok sa mga nagbebenta ng Bitcoin at handa kang magtakda ng negatibong margin na -5%.

    Ginagawa nitong 95% ang kabuuang presyo ng pagbebenta.

    Sa isang halimbawa nang trade para sa 200 USD value gift card, ang may-ari ng alok ay tumatanggap ng 190 USD ng halaga ng Bitcoin. Sa kasong ito, ang nagbebenta ay tutubo nang 10 USD kada 200 USD o 5 USD kada 100 USD.

    100/95 = 1.05 USD kada 1 dolyar - Kita ng nagbebenta ng Bitcoin.

    Bago pumili ng margin para sa alok mo, isaalang-alang ang mga limit ng margin na itinakda para sa espesipikong grupo ng pagbabayad.

    Mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatakda ng margin lang para sa mga layunin ng pag-aanunsiyo o paggamit ng margin upang iligaw ang mga customer.
     

  • Mga limit ng margin

    Ang Paxful ay may mga margin limit para sa mga alok. Ang mga limit na ito ay magagamit lang sa mga alok para bumili at magbenta ng bitcoin. 

    Ang alok sa pagbebenta ay may pinakamataas na margin

    Mga alok na lilitaw sa seksyon ng pagbili ng bitcoin ng website upang hikayatin ang mga buyer.

    Grupo ng pagbabayad Margin
    Mga Gift card 80%
    Cash 30%
    Mga online wallet 50%
    Mga debit/credit card 50%
    Mga bank transfer 20%
    Mga digital currency 10%

    Ang alok sa pagbili ay may pinakamataas na margin

    Mga alok na lilitaw sa seksyon ng pagbebenta ng bitcoin ng website upang hikayatin ang mga seller.

    Grupo ng pagbabayad Margin
    Mga Gift card 80%
    Cash 30%
    Mga online wallet 50%
    Mga Debit/credit card 50%
    Mga bank transfer 20%
    Mga digital currency 10%

     

    Tandaan: Ang mga limit ng margin ay itinatakda para panatilihin ang balanse ng trade sa platform at para maiwasan ang mga manipulasyon sa merkado. Ang pagkakaroon ng mataas na margin ng alok (lalo na ang 100%, 200%,500%, 900%) na hindi nagpapakita ng aktuwal na presyo na babayaran sa mga trade ay itinuturing na pekeng patalastas at ipinagbabawal sa aming TOS.

  • Pagsulat ng magagandang termino ng alok

    Sa Paxful, maaari kang lumikha ng sarili mong alok na angkop sa mga kahilingan mo at tukuyin ang sarili mong pangkat ng mga termino at kundisyon para sa mga alok na ito. Ang alok na mga termino ay maikling paglalarawan ng mga kinakailangan mo na nauugnay sa alok na iyon, na ipinakikita sa sarili mong trade, bago magsimula ang trade. Ang mga termino ng alok ay idinadagdag sa ikatlong hakbang ng paglikha ng daloy ng alok. Ang susi sa paglikha ng magagandang alok ay gawing maikli at tuwiran tungkol sa inaasahan mo mula sa kasosyo mo sa trade. Narito ang ilang tips sa pagsulat ng magagandang termino ng alok.


    Mga tag ng alok

    Maaari kang pumili ng mga tag ng alok na lumilikha ng alok. Ang mga tag na ito ay karaniwang mga keyword na lumilitaw sa pampublikong listahan na makakatulong sa pagkuha ng atensyon sa iyong alok sa simula pa lang. Gamitin ang mga tag ng alok para magbigay agad ng higit na detalye sa iyong potensiyal na kasosyo, at sangayunan sila tungo sa pagsisimula ng trade kasama mo. 

    Narito ang ilan sa mga halimbawa ng mga tag na maaaring makatulong sa kasosyo ng trade na maunawaan kung ano ang kailangan mo: “kinakailangang ID”, “Cash lang”, “Resibong kailangan”.

    Maikli at tumpak na mga paglalarawan

    Ang layunin ng mga termino ng alok ay tiyakin na nauunawaan ng kasosyo ng trade kung paano nila kailangang bayaran ka bago magsimula ang trade. Kung hindi malinaw at madaling maunawaan, malamang na kanselahin ang trade dahil baka hindi sila sigurado sa proseso. Kapag ang mga termino ng alok ay napakahaba, maaaring kanselahin ng trade o simulan ito nang hindi binabasa ang mga iyon. Kung ang alok mo ay napakaikli, malinaw at madaling maunawaan, madali mo itong magagawa para sa mga kasosyo mo sa trade. Subukang maging espesipiko at sa punto nang hindi nakakagulat sa kasosyo sa trade. Tandaan din na para matiyak na ang mga termino ng alok mo ay alinsunod sa Mga Termino ng Serbisyo ng Paxful.

    Ano ang hindi gagawin:

    1. Huwag magmungkahi ng pakikipagtrade sa labas ng escrow. Anumang mga mungkahi para makipagtrade sa labas ng platform ay mahigpit na ipinagbabawal at maba-ban ka mula sa Paxful.
    2. Huwag banggitin ang personal na impormasyon ng kontak sa inyong mga termino ng alok.
    3. Huwag magbigay ng mga link sa mga panloob na site o ibahagi ang mga URL.

    Mga Halimbawa:

    Mga Halimbawa ng magagandang termino ng alok:

    PayPal

    • Ang PayPal account mo ay dapat beripikado.
    • I huwag tumanggap ng bayad sa pamamagitan ng mga debit card, at mga tseke sa pamamagitan ng PayPal.
    • Dapat mong ipakita na ang mga pondo ay available na sa balanse ng iyong PayPal.
    • Mag-log in sa iyong PayPal account at gumawa ng screenshot ng email.
    • Kailangan mong magbigay ng link sa iyong Facebook Profile.
    • Kailangan mong magpadala sa akin ng screenshot ng patunay ng pondo na nagmula sa iyong balanse ng iyong PayPal.
    • Dapat ipadala ang mga pondo sa form ng mga Kalakal at mga Serbisyo.
    • Mayroon akong karapatang ihinto ang pakikipagtrade sa sinuman kapag naghinala ako ng panlilinlang. Irereport kita at gagawin ko ang aking buong makakaya apra tanggalin ka sa Paxful.

    Western Union

    • Mga Cash na pagbabayad lang.
    • Ang mga detalye ng bayad sa Western Union ay ibibigay kapag nagsimula ka sa trade.
    • Magpadala ng malinaw na litrato ng resibo.
    • Walang mga alok ng third party.

    SEPA

    • Ito ay trade para sa an EU SEPA na mga bank transfer. Kung wala kang EU bank account ang trade na ito ay hindi para sa iyo.
    • Gusto kong mag-upload ang mga baguhang trader ng kanilang ID.
    • Ang pangalan ng identipikasyon ay dapat tugma sa pangalan sa bank account na ginamit para magpadala ng pera.
    • Ang BTC ay ilalabas sa oras na matanggap ang bayad. Kung gusto mo ng BTC na mas mataas sa BTC na mayroon ako, tandaan na tatagal ito nang kalahating oras para makapagdagdag ako ng BTC sa wallet ko.
    • Karapatan kong humingi ng karagdagang beripikasyon kung naghihinala ako na hindi ikaw ang tao sa ID na ipinakita. Gayunman, may opsyon kang tanggihan ang karagdagang beripikasyon, kung saan ang trade ay kakanselahin at ibabalik ko ang pondo sa bank account kung saan ito nanggaling.
    • Ang mga user na may bagong mga account ay dapat magbigay ng mga selfie hawak ang kanilang ID katabi ng kanilang mga mukha.

    Mga iTunes gift card

    • Ang alok na ito ay para sa mga iTune gift card lang, at hindi para sa mga Apple Music card.
    • Mga pisikal na card lang, e-code na mga litrato o code na hindi papayagan.
    • Mga card nagkakahalaga ng 100 USD o mas kakaunti!
    • Dapat kang mag-upload ng litrato ng card. Ang mga naka-photoshop o naka-edit na litrato ay irereport.

    Mga Amazon gift card

    • Tinatanggap ko lang ang mga pisikal na Amazon gift card na binili nang cash.
    • May litrato ng pisikal na Amazon Gift card (likuran na bahagi na malinaw na makikita ang mga code).
    • May litrato ng resibo na nagkukumpirma sa card na binili gamit ang cash. Ang mga card na binili gamit ang debit ay hindi tatanggapin!
    • Ang mga card ay dapat bilhin ng buo ang halaga. Halimbawa, kung ang card mo ay nagkakahalaga ng 100 USD, hindi mo dapat hilingin s akin na gamitin lang ang 50 USD mula rito.

    Basahin ang higit sa aming mga tuntunin sa pagbebenta ng bitcoin, tips sa pagbili ng mga bitcoin at ang aming patnubay sa pagsulat ng magagandang tagubilin ng trade.

  • Ang alok ko ay hindi nakikita sa publiko

    Pagkatapos gawin ang iyong alok sa buy o sa sell bitcoin, may mga espesipikong kahilingan para sa iyong mga alok para makita ng ibang mga user ng Paxful. 

    Alok para bumili ng bitcoin

    Para makita ang alok mo sa page ng Sell Bitcoin para sa mga potensiyal na nagbebenta ng bitcoin, kailangan mong maging beripikado ang ID at magkaroon man lang ng 0.02 BTC sa inyong wallet bilang karagdagan sa pinakamababang halaga sa iyong alok. 

    Halimbawa: 

    Lumikha ka ng alok para bumili ng bitcoin gamit ang bank transfer para sa $100. Makikita lang ito kung mayroon kang $100 + 0.02 BTC sa wallet mo. Ang halaga ng BTC ay available para withdrawhin anumang oras pero sa oras na bumaba ang halagang ito, ang alok mo ay maglalaho mula sa listahang pampubliko at makikita lang kung ibabahagi mo ang direktang link sa user.

    Alok para magbenta ng bitcoin

    Para makita ang alok mo sa page na Buy Bitcoin para sa mga potensiyal na buyer, kailangan mong beripikado ang ID.

    Makakapasa ka sa proseso ng beripikasyon mula sa your profile. Sa kaso ng karagdagang tanong, tingnan ang aming patnubay sa beripikasyon ng ID. 

  • Paano lilitaw ang alok ko na mas mataas sa publikong listahan?

    Mas makabubuting lumitaw ang alok mo sa ibabaw ng listahan dahil nagbibigay ito ng mas magandang tsansa na makita ng potensiyal na kasosyo sa trade. Ang mga alok ay niranggo batay sa algoritmo, at narito ang ilan sa mga aksyon na dapat mong gawin upang paghusayin ang mga ranggo ng iyong alok.   

    • Competitive margin — Tinitiyak na ang alok mo ay mas kumikita para sa iyong mga kasosyo sa trade kaysa sa ibang mga alok sa parehong kategorya.
    • May positibong feedback mula sa mga kasosyo sa trade — Mas mataas ang bilang ng positibong feedback na nakuha mo mula sa mga kasosyo sa trade mas makabubuti para sa iyo at sa iyong mga alok.
    • Mag-online — Ang pag-online ay nagpapakita na handa kang makipagtrade sa oras ng abiso at ito ay isang bagay na ipinagpapasalamat sa aming platform.

    Narito ang ilan sa karagdagang impormasyon kung paano paghuhusayin ang iyong karanasan a pakikipagtrade sa pamamagitan ng pagsunod sa aming mga tuntunin a pagbebenta ng mga bitcoin at tips sa pagbili ng mga bitcoin.

  • Alin sa mga alok ko ang lilitaw sa publikong mga listahan?

    Maaari kang lumikha ng maraming alok na sa tingin mo ay kinakailangan. Kapag nagpunta ka s a iyong Vendor Dashboard o Classic Dashboard, makikita mo ang lahat ng iyong mga alok. Gayunman, kung mayroon kang mahigit isang alok sa parehong uri ng alok, paraan ng pagbabayad at currency, isa lang sa kanila ang ipapakita sa publiko.

    Kung mayroon kang mahigit isang alok para sa parehong paraan ng pagbabayad, ang uri ng alok at currency, pipiliin ng system namin ang pinaka kumikitang margin para sa iyong potensiyal na mga trade partner.

    Halimbawa:

    Mayroon kang dalawang alok para magbenta ng bitcoin gamit ang mga bank transfer at USD:

    1. Ang alok na may margin na 15%.
    2. Ang alok na may margin na 5%.

    Ang pangalawang alok ay ipapakita sa pampublikong listahan.

    Mayroon kang dalawang alok para bumili ng bitcoin gamit ang mga bank transfer at USD:

    1. Ang alok na may margin na 15%.
    2. Ang alok na may margin na 5%.

    Ang unang alok ay ipapakita sa pampublikong listahan.

    Tandaan:

    • Para magsagawa ng isa pang alok na makikita sa pampublikong listahan, paki-deactivate ang nakikitang alok.
    • Maaari kang magkaroon ng maraming alok para sa parehong paraan ng pagbabayad na makikita kung ang bawat isa sa kanila ay may iba't ibang currency.
    • Ang tuntunin na ito ay ipinatupad upang maiwasan ang pagmamanipula ng merkado sa aming platform.
  • Gamit ang kuwenta ng presyo ng bitcoin para sa mga alok

    Alam ng bawat trader na ang presyo ng bitcoin ay maaaring iba't iba sa bawat platform ng pagpapalitan. Pinahahalagahan ng Paxful ang kalayaan mo sa pagpili at pagbibigay ng flexibility para pumili ng mga rate ng bitcoin para sa iyong mga alok sa paraan na mas kumbinyente at kumita. Ang paglikha ng alok sa Paxful ay may opsyon na pumili ng market source ng bitcoin rate at ang opsyon para pumili ng punto ng presyo

    Kapag gumawa ka ng alok sa buy o sell na bitcoin, maaari kang magpasya kung gagamit ka ng regular na rate na inalok ng Paxful o pumili ng isa sa pinakapopular na mga platform ng palitan mula sa listahan sa listahan ng drop-down. Ang punto ng presyo ay flexible din.

    Mag-alok ng presyo ng bitcoin = presyo ng source + margin %

    Sa hakbang 2 (Profit margin at mga trade limit) ng daloy ng paggawa ng alok, gawin ang sumusunod:

    1. Pindutin ang sa ilalim ng Porsiyento sa itaas ng market rate ang alok mo ay ililista sa.

    2.png

    Ang advanced mode na seksyon ay lilitaw.

    2.Piliin ang platform ng palitan mula sa Pasadyang source ng Presyo source na drop-down list.

    3.png

    3. Pumili ng punto ng presyo mula sa Pumili ng punto ng presyo para gamitin ang drop-down list.

    4.png

    Nakatanda na ang pasadyang presyo ng bitcoin. Magpatuloy sa daloy ng alok.

    Tandaan: Maaari mong ibalik ang pinasimpleng daloy ng alok sa pamamagitan ng pagpindot sa Ilipat sa simpleng mode.

    Tingnan ang aming na karaniwang katanungan tungkol sa kuwenta ng presyo

  • Karaniwang mga tanong ungkol sa feature na kuwenta ng presyo

    Ano ang feature ng kuwenta sa presyo ng bitcoin?

    Ang uwenta sa presyo ng bitcoin ay isang oportunidad upang i-update ang alok ng presyo sa Paxful sa pagtaas ng presyo ng bitcoin mula sa espesipikong platform ng palitan. Ito ang opsyon para pumili ng rate mula sa anumang iba pang mga palitan ng bitcoin at gamitin ito para sa sa alok mo sa pagbebenta o pagbili. Para gamitin ang kuwenta ng presyo, tingnan ang aming guide.

    Paano kinukuwenta ang (simpleng mode) rate ng bitcoin sa Paxful?

    Ang Paxful ay nag-aalok ng halaga ng bitcoin na karaniwang presyo ng pagbili sa pamamagitan ng sumusunod na source:

    Coinbase

    Bitstamp

    Bitfinex

    Ano ang available na rate ng source sa advanced mode? 

    Sa advanced mode ang Paxful ay nag-aalok ng listahan ng mga platform ng palitan na ito:

    Binance

    Bitfinex

    Bitstamp

    Coinbase Pro

    Gemini

    Kraken

    Gaano kadalas nangyayari ang pag-update ng rate?

    Ang pag-update ng rate sa Paxful mula sa source ng palitan ay kada minuto.

    Alin sa mga punto ng presyo ang magagamit?

    Narito ang pagpipilian ng mga punto ng presyo:

    Ask Ang ask price ay ang kasalukuyang pinakamababang presyo na handang tanggapin ng bitcoin seller mula sa buyer. 

    Bid  Ang bid price ay ang kasalukuyang pinakamataas na presyo ng bitcoin buyer na handang bayaran ng seller.

    24 high Ang pinakamataas na presyo ng bitcoin ng lahat ng nakumpletong trade sa platform ng palitan sa nakalipas na 24 oras.

    24 high Ang pinakamababang presyo ng bitcoin ng lahat ng nakumpletong trade sa nakalipas na 24 oras.

    Average Ang average na presyo ng bitcoin ng lahat ng nakumpletong trade para sa nakalipas na 24 oras. 

    Last Ang presyo ng pinakabagong nakumpletong trade ayon sa napiling platform ng palitan.

    Note: Ang pagpipilian ng available na mga punto ng presyo ay maaaring naiiba depende sa rate source na napili mo.

    Paano makikita ng mga potensiyal na kasosyo ko sa trade ang aking pasadyang bitcoin rate?

    Para sa mga kasosyo mo sa trade, walang espesyal na palatandaan na nagsasabi sa kanila na gumagamit ka ng pasadyang presyo ng bitcoin. Gayunman, ang custom bitcoin rate mo ay direktang makakaapekto sa porsiyento sa itaas o ibaba ng presyo sa merkado at kung magkano ang makukua ng mga trader sa dolyar.