• Paggawa ng account sa Paxful

    Ang paglalakbay mo sa Paxful ay nagsisimula sa simpleng desisyon: gumawa ka man o hindi ng account. Kung sa tingin mo ay handa ka nang makibahagi s mundo ng crypto at pinansiyal na kalayaan, kung gayon ang susunod na hakbang ay gumawa ng Paxful account mo. Ang paggawa ng account mo ay madali at naaangkop sa user. Sa oras ng pagrehistro, makakakuha ka rin ng libreng wallet upang iimbak ang mga bitcoin na kinita mo mula sa pakikipagtrade sa Paxful.

    Narito ang Paxful school tutorial upang gabayan ka sa proseso ng paggawa ng iyong account:

    Para gumawa ng bagong Paxful account:

    1. Buksan ang web browser at ilunsad ang Paxful webpage: https://www.paxful.com. Lilitaw ang Paxful home page. 

    2. Pindutin ang Lumikha ng account sa ibabaw ng kanang panig ng pangunahing page.
    1.2.png
    Ang page na Gumawa ng account ay lilitaw.
    2.2.png

    3. Kumpletuhin ang sumusunod na field sa sigup form:

    Pangalan ng Field Paglalarawan Mga Komento
    E-mail Ilagay ang email address mo. Maaaring baguhin ang email sa loob lang ng unang 7 araw at sakaling mali ang baybay.
    Password Gumawa ng matibay na password. Ang password mo ay dapat na :
    6 na karakter man lang ang haba
    May isang karakter na maliit ang titik
    May isang espesyal na karakter (@#* etc.)
    May isang numero
    May isang malaking titik na karakter

    Note: Sa pagrerehistro sa Paxful, makakukuha ka ng awtomatikong paglikha ng username. Makakagawa ka ng pasadyang username sa susunod. Para magtakda ng personalisadong username, kailangan mong beripikahin ang email mo.

    4. Basahin ang aming Mga Termino ng Serbisyo, Mga Termino ng Serbisyo ng Affiliate Program at Abiso sa Pagkapribado at pumili ng checkbox para sumangayon sa amin.

    3.2.png

    5. Pindutin ang Gumawa ng libreng Paxful account.
    4.2.png

    6. Kumpletuhin ang beripikasyon ng captcha mo.
    Ang aktibasyon ng email ay ipinadala sa email address mo.
    7. Magpunta sa inbox mo, buksan ang email mo mula sa [email protected] at pindutin ang Kumpirmahin ang Email.
    6.2.png

    Bilang kahalili, sundin ang pamamaraan na inilarawan sa beripikasyon ng Email para kumpirmahin ang email mo.

    Ang account mo ay nakarehistro at ang email mo ay nakumpirma.

    Sa oras na magawa mo na ang account mo, nirerekomenda namin na beripikahin ang iyong telepono at kilalanin gayundin ay makakuha ng higit na mga oportunidad sa pakikipagtrade sa aming platform. Kung may iba ka pang katanungan para siyasatin ang aming knowledge base, makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng aming live chat sa aming website, o magpadala ng mensahe sa amin sa Facebook, Twitter, o Instagram.

  • Pampublikong profile ko

    Ang pampublikong profile mo ay naglalaman ng buod ng iyong account at ng tala mo sa Paxful.

    Tandaan na ang pampublikong profile mo ay makikita sa ibang mga user ng Paxful. Sa iyong pampublikong profile, makikita ng ibang mga user ng Paxful ang sumusunod na impormasyon tungkol sa iyo:

    • Username
    • Litrato ng profile
    • Beripikasyon - impormasyon kung ang email mo, telepono, ID o adres ay beripikado na, at naberipika ka bilang pinagkakatiwalaang vendor.
    • Reputasyon - pagsasama-sama ng positibo, negatibo, at nyutral na feedback na natanggap mo sa Paxful.
    • Aktibong mga alok - mga alok na nalikha mo na kasalukuyang aktibo.
    • Wika ng profile mo
    • Bilang ng mga kasosyo sa trade
    • Bilang ng mga trade
    • Trade volume - kabuuang BTC na na-trade mo sa Paxful.
    • Bilang ng mga user na pinagkakatiwalaan mo
    • Bilang ng mga user na nam-block sa iyo
    • Oras na lumipas simula nang sumali ka sa Paxful
    • Huling beses na nag-online ka sa Paxful

    Katulad ng nakikita mo, ang pampublikong profile mo ay naglalaman ng lahat ng credential na naipon mo sa Paxful at tutulong sa bawat user kung ligtas kang kasosyo sa trade o hindi.

  • Dashboard

    Ang dashboard mo ay ang hub para subaybayan ang lahat ng aktibidad mo sa Paxful.

    Ang dashboard ay ang personalisado mong tool para i-access ang lahat ng impormasyong kailangan mo. May 4 na iba't ibang dashboard sa Paxful, bawat isa ay may sariling espesipikong mga user at function.

    Klasikong Dashboard

    Sa oras na gumawa ka ng account sa Paxful makakakuha ka ng libreng wallet at access sa Klasikong Dashboard. Ito ay pangkalahatan/default dashboard kung saan maaari mong:

    • Tingnan ang aktibo at huli mong mga trade.
    • Tingnan ang mga pahina ng tulong.
    • Lumikha at mag-edit ng mga alok mo.
    • Kumuha ng buod ng mga kaanib mo.
    • Tingnan ang aktibidad ng account mo.

    Vendor Dashboard

    Ang dashboard na ito ay lumilitaw sa oras na lumikha ka ng unang alok mo. Sa vendor dashboard, maaari mong:

    • Tingnan ang aktibo at huling mga trade mo.
    • Makakuha ng buod ng iyong mga kaanib.
    • Tingnan ang mga tsart ng benta.
    • Tingnan ng statistics ng alok: aktibo, di-aktibong mga alok at higit pa.
    • Tingnan ang kanseladong mga resulta ng survey sa trade.
    • Lumikha at mag-edit ng mga alok
    • Magsagawa ng karagdagang mga hakbang sa beripikasyon ng account.
    • Humiling ng karagdagang tampok mula sa aming mga developer.

    Sa pangkalahatan, ang dashboard na ito ay magagamit kapag gusto mong makita ang mga status ng lahat ng trade at alok.

    Merchant Dashboard

    Ang dashboard na ito ay eksklusibong inilalapat sa lahat ng user na gumagamit ng “Magbayad gamit ang Paxful” na feature (mag-sign up para sa feature na ito sa aming Magbayad gamit ang Paxful page). Sa Merchant Dashboard makikita mo ang:

    • Ang benta mo sa huling 28 n araw.
    • Lahat ng transaksyon ay isinagawa gamit ang merchant link.

    Affiliate Dashboard

    Ito ang dashboard para subaybayan ang mga kaanib mo at ang mga komisyon ng kaanib mo. 

    Sa dashboard na ito, maaari mong:

    • Tingnan ang affiliate link at ibahagi ito sa mga kaibigan mo at network.
    • Makakuha ng detalyadong buod ng lahat ng kaanib.
    • Tingnan ang mga kita ng kaanib mula sa nakumpletong mga trade.
    • Lumikha ng kakaibang nasusubaybayang mga link sa seksyon ng ‘track ID’.

    Ang Paxful Affiliate Program ay isang kasiya-siyang oportunidad para sa mga user na mapagkalooban dahil sa pagbabahagi ng kanilang mga affiliate link sa kanilang mga kaibigan at follower.

     

  • Listahan ng Pinagkakatiwalaan/Binlock

    Ang pagtitiwala at pagblock sa mga user sa Paxful ay epektibong paraan para masala kung kanino ka makikipagnegosyo.

    Bukod sa iba't ibang panlabas na indicator na makatutulong sa iyong magpasya kung ang ilan sa mga user ay ligtas na makatrade o hindi, maaaari mo ring pagkatiwalaan at i-block ang mga user batay sa iyong personal na karanasan sa pakikipagtrade sa kanila.

    Pagtitiwala sa mga User

    Ang pagtitiwala sa mga user na nagkaroon ka ng magandang karanasan sa trade ay magandang paraan para manatiling konektado sa kanila. Halimbawa, kung patuloy mong nakikita na kapaki-pakinabang sa iyo ang pakikipagtrade ng user, maaari mong markahan ang user na iyon bilang pinagkakatiwalaang user. Sa paraang ito, ang kanilang alok ay ilalagay sa unahan sa inyong feed. Kapag gumawa ng alok, may mga opsyon din kung saan pwede kang pumili lang ng alok sa listahan ng mapagkakatiwalaang mga user.

    Ang pagtitiwala sa mga user ay isang paraan para gumawa ng tunay na mga koneksyon sa kanila, pero tulad ng tunay na buhay, mag-ingat kung kanino magtitiwala sa Paxful.

    Pagblock ng mga User

    Habang ang pinagkakatiwalaang mga user ay paraan para magtatag ng malusog na ugnayan sa trade kasama ang mga desenteng trader, ang pagblock ay para sa kabaliktaran. Kung nakaranas ka ng masama sa pakikipagtrade sa isang tao (hal. hindi ito naging kapaki-pakinabang tulad ng inaasahan mo, o na-scam ka), pwede mong i-block ang partikular na user. Kapag binlock mo ang vendor, hindi na nila makikita ang alok mo sa kanilang listahan. Sa katulad na paraan, kapag binlock mo ang user, hindi mo na makikit ang alok nila sa listahan mo.

    Ang pagblock ay isang paraan para maseguro na hindi ka gagambalain ng masamang tao.

    Para pagkatiwalaan o iblock ang user sundin ang mga hakbang na ito:

    1. Pindutin ang username sa alinmang page (listahan ng alok, trade chat, mga nakalipas na trade sa dashboard mo, atbp.)
      Ang profile ng user ay magbubukas.
    2. Pindutin ang Magtiwala or Iblock na mga link sa ilalim ng username para markahan ang user bilang pinagkakatiwalaan, o iblock sila nang isa-isa.

    Block_Trust1.0.png

    Tandaan: Lagi mong pwedeng i-undo ang aksyong ito sa susunod.

    Para sa higit na impormasyon kung paano paghuhusayin ang karanasan mo sa pakikipagtrade, mangyaring basahin ang aming tips pangkaligtasan at mga tagubilin para sa mga termino ng magandang alok.

  • Pagpapalit ng numero ng telepono

    Ang pagpapalit ng numero ng telepono sa Paxful ay tuwiran. Para palitan ang numero ng telepono sa Paxful:

    1. Maglog-in sa Paxful account mo, i-hover isa ibabaw ng username sa kanang ibabaw ng page at pindutin ang Settings mula sa context menu na lilitaw.
    Email_verification_1.png
    Ang page ng Settings ay lilitaw.

    2. Sa menu sa kaliwa, pindutin ang Profile.
    Phone_verification_1.png
    Lilitaw ang Profile page mo.

    3. Pindutin ang Palitan ang numero malapit sa TELEPONO na field.
    PhoneReset3.png
    Lilitaw ang link ng kumpirmasyon.

    4. Kumpirmahin ang aksyon sa pamamagitan ng pagpindot sa Pindutin ang ipadala para i-reset ang link sa email.
    PhoneReset4.png
    Ang email ay ipadadala sa iyong inbox.

    5. Buksan ang email mula sa [email protected] at pindutin ang link sa email.
    Ikaw ay dadalhin sa mga palatanungang panseguridad sa website namin.

    Tandaan: Ang link na natanggap sa email mo ay mapapaso pagkatapos ng 30 minuto mula sa oras na lumitaw ang email sa inbox mo.

    6. Sagutin ang mga tanong panseguridad mo at pindutin ang Isumite.

    PhoneReset5.png
    Na-reset ang numero ng telepono mo. Sundin ang pamamaraan ng beripikasyon ng telepono para kumpletuhin ang proseso.

    Kapag humarap ka sa anumang mga isyu na sinasagot ang mga tanong panseguridad o tumatanggap ng email, mangyaring kontakin ang suporta para sa tulong.

     

  • Pagpapalit ng email address

    Para sa seguridad ng account mo, hindi mo pwedeng palitan ang email address mo nang direkta sa ilalim ng account settings mo sa Paxful. Maaari mong palitan ang email address sa account mo sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa suporta sa [email protected]

    May ilang mga kinakailangan na dapat matugunan para tanggapin namin ang kahilingan mong palitan ang email address sa account mo. Iyon ay ang mga sumusunod:

    • Ang account ay dapat na wala pang pitong araw ang tanda.
    • Ang aktibidad ng wallet sa account ay dapat na 1500 USD o mas mababa.
    • Ang email address ay kailangan lang ng minor na mga pagbabago tulad ng pagsasaayos ng maling baybay, atbp.

    Babala: Ang mga kahilingan na hindi tutugon sa mga kahilingan sa itaas ay tatanggihan.

    Pagkatapos mong kontakin ang suporta at humiling na palitan ang email, hihilingin sa iyo na beripikahin ang pagiging may-ari ng account sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong, na magpapahintulot sa amin na kumpirmahin kung ikaw ang tunay na may-ari ng account.

  • Naka-lock na account

    Kung sa ilang dahilan na hindi mo ma-access ang account mo at nakita na ang mensahe ay NAKA-LOCK – may dalawang posibleng dahilan:

    1. Lock sa Geolocation.Kapag nag-login ka sa mula sa bagong lokasyon, kailangan mo itong aprubahan sa pamamagitan ng email para makapaglogin.

      Ano ang gagawin?
      Tingnan ang inboc mo para i-unlock ang link. Pindutin ang link at magpatuloy gamit ang aming website.

      Kung hindi ka pa rin maka-access sa accoubnt mo o hindi nakatanggap ng email sa link mula sa Paxful, mangyaring ipaalam sa amin ang maling mensahe o ipadala sa amin ang screenshot para matulungan ka na namin tungkol dito.

    2. Natukoy namin ang kahina-hinalang aktibidad sa account mo. Bilang resulta, maaari naming i-lock ito para sa layuning panseguridad para maiwasan ang anumang kriminal na aksyon sa aming platform.

      Ano ang gagawin?
      Kontakin ang suporta para sa tulong.
  • Ano ang ibig sabihin ng "na-block ka ng user"?

    Ang “mablock” sa Paxful ay hindi katapusan ng mundo.  

    Kapag nakatanggap ka ng mensahe na nagsasabing may isang user na “nam-block” sa iyo, huwag masyadong mag-alala tungkol dito dahil hindi ito makakaapekto sa account mo at ang mga aksyon na magagawa mo rito. Kapag binlock ka ng user, nangangahulugan ito na hindi mo makikita ang anmang alok na ipo-post mo sa susunod. Maaaring mayroon silang sariling mga dahilan pero hindi ito makakaapekto sa katayuan mo sa Paxful at hindi ito makakaapekto sa kakayahan mong magbenta o bumili ng bitcoin. Kaya magpatuloy lang sa paggamit ng iyong account nang normal. Bilang propesyonal na tip, maaari mong subukang maging malinaw at patas hangga't kaya mo sa iyong mga kasosyo sa trade. Pero sa katapusan, tandaan na hindi ka magugustuhan ng lahat.

  • Pagbura ng account

    Nakakalungkot dahil gusto mong burahin ang account mo. Gayunman, maaari mong burahin ang account mo kung gusto mo. Para sa legal at mga layunin ng pagsunod, hinihiling ng Paxful na itago ang lahat ng record at tala ng pakikipagtrade para sa kasalukuyan at nakalipas ng lahat ng aming mga user.

    Para burahin ang Paxful account

    1. I-hover sa ibabaw ng username mo sa kanang ibabaw ng page at pindutin ang Settings mula sa context menu na lilitaw.
      Email_verification_1_2.png
      Ang Settings page ay lilitaw. 
    2. Sa menu sa kaliwa, pindutin ang Seguridad.
      DeleteAccount2.png
      Ang Lilitaw ang settings ng seguridad .
    3. Sa ilalim ng seksyon na Burahin ang account, pindutin ang BURAHIN ANG ACCOUNT. 
      DeleteAccount3.png
      Ang kahilingan para burahin ang dialog box ng account ay lilitaw.
    4. Pumili ng isa sa paunang tinukoy na mga dahilan o pumili ng Iba at i-type ang sarili mong dahilan para sa pag-deactivate ng account at pindutin ang Ipadala ang kahilingan.
      DeleteAccount4.png
      Ang email ng kumpirmasyon ay ipinadala sa inbox mula sa [email protected].
    5. Buksan ang email at pindutin ang BURAHIN ANG ACCOUNT.
      DeleteAccount5.png

    Ang kahilingan ay idinadagdag sa aming pila at ang mga tagapamagitan ay rerepaso nito bago dumating sa isang desisyon. Kapag tinanggihan ang kahilingan, magbibigay ang tagapamagitan ng dahilan sa pamamagitan ng email. Hinihingi namin ang pang-unawa mo sa oras na ito-prosesong nakakaubos ng oras.

    Babala: Kung pagkatapos humiling ng kahilingan sa pagbura ay may mga aktibidad ka pa rin sa pakikipagtrade, ang balanse ng wallet o aktibong mga dispute, ang kahilingan mo ay tatanggihan.

    Makipag-ugnayan sa aming support team sa [email protected] gamit ang karagdagang tanong o humingi ng karagdagang impormasyon.

     

     

     

  • Pagdaragdag ng bank account sa profile ng user

    Ipinakikita ng artikulong ito kung paano magdagdag ng mga detalye sa bangko sa profile mo para hindi mo na kailangang manwal na magpadala ng sensitibong impormasyon sa kasosyo mo sa trade sa tuwing may trade ka gamit ang bank transfer. 

    1. Mag-login sa account mo, i-hover sa ibabaw ng username mo at pindutin ang Settings.
    Email_verification_1.png
    Lilitaw ang page ng Account settings.

    2. Laging ihanda ang mga detalye ng account mo sa bangko at pindutin ang Mga account sa bangko sa kaliwang menu.
    pointertoBankAccounts.png

    3. Pumili ng uri ng account, bansa, at currency at pindutin ang SUSUNOD.
    AddAccountstep_3.png
    Lilitaw ang dialog box na idagdag ang account sa bangko.

    4. Kumpletuhin ang sumusunod na mga field:
    AddBank3.png

    Pangalan ng Field Deskripsyon Mga Komento
    Routing Number Ang ginamit na siyam na digit code para tukuyin ang pinansiyal na institusyon. USA lang
    Numero ng Account Personal na numero ng account mo kasama ang bangko.  
    Pangalan ng May-ari ng Account Pangalan ng may-ari ng account. Ang pangalan ng may-ari ng account ay dapat pareho sa nakasaad sa account.
    IBAN Ang Iyong Pandaigdig Na Numero Ng Account Sa Bangko EU lang
    Bangko Pangalan ng bangko mo. Nigeria lang

    5. Pindutin ang IPAKITA ANG IMPORMASYON PARA SA MABILIS NA PAGLILIPAT (opsyonal) at kumpletuhin ang karagdagang mga field tulad ng mga sumusunod:
    AddBank3.1.png
    AddBank5.png

    Pangalan ng Field Deskripsyon Mga Komento
    Bansang tinitirhan ng may-ari ng account Kasalukuyan mong bansang tinitirhan. Tulad ng binanggit sa mga dokumentong nauugnay sa account sa bangko. Hindi ito ang bansa na ikaw ay isang mamamayan.
    Estado/rehiyon ng may-ari ng account Kasalukuyan mong estado o rehiyong tinitirhan. Tulad ng binanggit sa mga dokumentong nauugnay sa account sa bangko.
    Siyudad ng may hawak ng account Kasalukuyan mong lungsod na tinitirhan. Katulad ng binanggit sa account ng bangko na nauugnay sa mga dokumento.
    ZIP code ng may-ari ng account ZIP code ng kasalukuyang mong tinitirhan. Tulad ng binanggit sa mga dokumentong nauugnay sa account sa bangko.
    Address ng may hawak ng account Kumpletong adres ng tirahan mo. Tulad ng binanggit sa mga dokumentong nauugnay sa account sa bangko.

    6. Pindutin ang MAGDAGDAG NG ACCOUNT.
    Addbank6.png
    Idadagdag ang account mo sa listahan ng mga account mo sa bangko sa profile mo.

    Tandaan: 

    • Maaari mong i-edit/tanggalin ang mga detalye ng account mo sa hinaharap.
    • Kung mula ka sa bansang walang nakikilalang bangko, hindi mo magagamit ang feature na ito. Sa sandaling ito, sinusuportahan namin ang mga bangko sa US, Nigeriat ang mga bansa sa EU.
    • Maaari kang mag-save ng maraming account sa bangko at gamitin ang lahat ng iyon para sa lahat ng mga trade ng paglilipat sa bangko.

    accountinthelist.png

    Para sa higit na impormasyon, basahin ang tips namin kung paano bumili ng bitcoin gamit ang paglilipat sa bangko o tingnan kung paano magdagdag ng account sa bangko nang direkta mula sa trade chat.

  • Paano ko maa-activate ang dark theme?

    Desktop o web view

    Ang dark theme ay isang kapana-panabik na bagong edisyon sa mga visual ng Paxful. Para paganahin o hindi paganahin ang dark theme para sa account mo:

    1. Buksan ang alinmang apge sa paxful.com.
    2. I-scroll pababa ang footer ng page. Hanapin ang pindutin ang Dark theme toggle para buksan o isara ang theme sa iyong device.

    Maaari ko bang i-activate ang dark theme sa aking Paxful mobile app?

    iOS

    Ang dark theme ay magagamit sa lahat ng iOS device. Gayunman, walang paraan upang paganahin ang theme nang direkta sa app. Kung pinagagana mo ang dark mode sa ilalim ng device settings, ang iyong iOS device, pagkatapos ay ang iyong Paxful iOS app ay awtomatikong ililipat sa dark mode. Magagamit lang ito sa mga native page ng app. Para i-activate ang dark theme para sa mga web view page tulad ng Bumili ng bitcoin o Magbenta ng bitcoin na mga page na tiningnan sa browser ng iyong iOS device, sundin ang parehong hakbang tulad ng ginagawa mo sa desktop version, na naka-highlight sa itaas.

    Android

    Sa kasamaang palad, ang dark theme para sa Paxful Android app ay hindi pa available. Gayunman, para sa mga web view page tulad Bumili ng bitcoin o Magbenta ng bitcoin na mga page na ipinakita sa browser sa iyong Android device, maaari mong paganahin ang dark theme sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang sa itaas para sa desktop version.



  • Mga pagbabawal para sa mga user mula sa Estado ng New York at Washington

    Sa kasawiang palad, dahil sa mga pagbabawal sa pagpapatupad, kasalukuyang ipinagbabawal ng Paxful ang pagbbiigay ng serbisyo sa mga customer sa mga Estado ng New York at Washington. Bilang resulta, ang mga account na iyon ay iba-ban agad. Habang paggana ng nasabing mga account ay pangkalahatang hindi pagaganahin, babawiin ng mga user ang alinman sa mga natitirang pondo sa kanilang mga account. Humihingi ang Paxful ng paumanhin sa kahirapang ito at umaasa kami na sa susunod ay isaaalang-alang mo na ipagpatuloy ang paggamit mo ng Paxful platform kung at kapag ang nasabing paggamit ay naging alinsunod sa lahat ng naaangkop na mga batas at regulasyon.

    • Lahat ng account na may IP na nakarehistro sa mga Estado ng Washington at New York at lahat ng account na may beripikadong adres sa loob ng mga Estado ng Washington o New York ay iba-ban.
    • Nangangahulugan ito na hindi ka maaaring magtrade sa Paxful pero madali kang makaka-access anumang oras sa account mo, mag-deactivate ng mga alok mo at withdrawhin ang mga pondo mo.

    Para sa anumang karagdagang katanungan huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa: [email protected]