• Publikong key

    Ang string ng mga letra at numero na kinuha mula sa private key. Ang public key a y nagpapahintulot na tumanggap ng mga bitcoin.

  • Singil ng minero


    Ang bayarin ng bitcoin miner ay maliit na halaga ng bitcoin na ibinibigay na insentibo sa mga bitcoin miner (at ang kanilang mga operator) para kumpirmahin ang mga transaksyon ng Bitcoin.

  • Status ng transaksyon

    Bawat trade sa Paxful ay may status. May walong status ang trade mo na maaaring magkaroon:

    Aktibong napondohan ang trade ay bukas, at ang pondo ay nailipat na sa escrow.

    Bayad na namarkahan na nang bumibili ang trade bilang bayad na.

    Napaso bawat trade ay may payment window para magbayad ang bumibili. Kapag ang trade ay napondohan, pero nabigo ang buyer na markahan ito bilang bayad na, mapapaso ang payment window.

    Kinansela ang bumibili/nagbebenta ay sumangayon na kanselahin ang trade.

    Bukas na dispute alinman sa bumibili o ang vendor ang nagbukas ng dispute (ang dispute ay maaaring magsimula 3 oras pagkatapos na mamarkahan ang trade bilang bayad na).

    Tagumpay nailabas ng vendor ang mga pondo mula sa escrow patungo sa wallet ng bumibili.

    Pinagkaloobang nagbebenta naisaayos na ang dispute, at ang mga bitcoin ay ipinagkaloob sa nagbebenta.

    Pinagkaloobang bumibili ang dispute ay naisaayos na, at ang mga bitcoin ay naipagkaloob na sa bumibili.

  • ToS

    Ang ToS o Termino ng Serbisyo ay kontrata o kasunduan sa pagitan ng kumpanya at ng end-user gamit ang produkto. Kapag pinawalang-bisa ng user ang kasunduan, mahihirapan ang user at pagmumultahin.

  • Trade ID

    Ang Trade ID o kilala rin bilang trade hash ay kakaibang identifier ng trade mo sa paxful, na ginagawang mas madali ang pagsubaybay ng trade mo sa loob ng Paxful platform.

  • Transaksyon


    Ang entry sa blockchain na naglalarawan sa transfer ng mga bitcoin mula sa adress tungo sa isa pa. Ang mga transaksyon ng bitcoin ay maaaring naglalaman ng ilang input at output. Ang transaksyon ay kapag ipinadala ang data sa at mula sa isang bitcoin address patungo sa isa pa. Tulad ng mga pinansiyal na transaksyon kung saan ipinadadala mo ang pera mula sa isang tao tungo sa isa pa, sa bitcoin, ganun din ang ginagawa mo sa pamamagitan ng pagpapadala ng data (bitcoin) sa isa't isa. Ang bitcoin ay may halaga dahil ito ay batay sa mga property ng matematika, sa halip na umasa sa pisikal na property (tulad ng ginto o pilak) o trust sa sentral na awtoridad, tulad ng mga fiat currency.

  • TXID, ID ng Transaksyon

    Ang TXID o Transaction ID ay karaniwang numero ng pagkakakilanlan para sa transaksyon ng bitcoin. Ito ay alphanumeric string na nagtatatak sa bawat transaksyon sa loob ng blockchain ng barya.

    Halimbawa.
    9a2468889936b87b8d64211e1d2a36afebff6c73eaa8fa4a849cfe099076e723

  • Wallet


    Ang koleksyon ng mga pribadong susi ng Bitcoin ay ginamit para gumastos ng mga bitcoin. Tulad ng mga papel na dolyar na hawak mo sa pisikal na wallet mo, ang bitcoin wallet ay isang digital wallet kung saan maaari mong iimbak, ipadala at tanggapin ang mga bitcoin nang ligtas. Maraming iba't ibang uri ng wallet na magagamit, naghahanap ka man ng web o mobile solution. Karaniwang nagbibigay ang bitcoin wallet ng access sa iyong pampubliko at pribadong mga susi.Nangangahulugan ito na may karapatan ka sa pag-access upang gastusin ang mga bitcoin na ito, saan mo man mapili.

    Makakakuha ka ng libreng Paxful bitcoin wallet sa sandaling lumikha ka ng account sa Paxful. Ang pampubliko at pribadong mga susi mo ay ligtas na itinatago sa Paxful. Ang access sa wallet ay protektado ng password at 2-factor security.