Magbayad gamit ang Paxful

  • Magbayad gamit ang Paxful

    Ano ang Bayad gamit ang Paxful?

    Ang Magbayad gamit ang Paxful ay isang button na maaari mong ilagay sa iyong e-commerce/business site solution na nagpapahintulot sa mga bumibili na magbayad gamit ang maraming pamamaraan ng pagbabayad, kabilang ang mga gift card.

    Ang Magbayad Gamit ang Paxful ay napakaganda kung may website ka at may access ka sa pagbebenta, online o pisikal na mga produkto. Maaari itong paraan ng pagbabayad bukod sa iyong kasalukuyang ginagamit na magdadala ng mas maraming customer at hindi mo kailangang mag-alala dahil ang proseso ay walang kinakaltas.

    Bilang negosyante, dapat ay handa kang tumanggap ng bayad sa BTC ngunit maraming paraan para ikumberte ito taun-taon sa iyong lokal na fiat na currency.

    Paano ito gumagana?

    Ang Magbayad Gamit ang Paxful ay pinagsasama-sama ang tatlong bahagi: mga negosyante (nagbebenta), mga namimili (gustong bumili) at mga vendor ng Paxful (ipinagpapalit ang mga paraan ng pagbabayad ng bumibili sa BTC). Ang solusyon ay kakaiba tulad ng mga transaksyong pinangangasiwaan sa pamamagitan ng matatag na mga Paxful platform trade (na nagaganap nang peer-to-peer).

    Ang mga negosyante ay may kontrol sa kumpigurasyon ng solusyon at masusubaybayan ang bawat transaksyon sa pamamagitan ng track ID. Sa bawat matagumpay na pagbabayad, ang callback ay maaaring ma-configure na maaaring itakda para ilabas ang mga kalakal ng mga bumibili sa panig ng negosyante.

    Ang mga negosyante ay may kumpletong listahan ng transaksyon na magagamit sa kanilang Paxful Merchant Dashboard.

    Gaano kaligtas ang Pagbabayad gamit ang Paxful?

    Ang Pagbabayad gamit ang button ng Paxful ay gumagamit ng aming ligtas na escrow system at platform na sinubukan sa pamamagitan ng labanan. Ang mga buyer mo ay ligtas.
    Ikaw, bilang negosyante ay ligtas dahil ang Paxful ay gumagamit ng ligtas na token system ng URL para maiwasan ang phishing at protektahan ang mga bumibili gayundin ang mga negosyante. Upang paganahin ang awtomatikong pagpapadala sa bitcoin address mo, dapat kang gumamit ng aming ligtas na token system. Mangyaring sumangguni sa aming developer page.

    Ang inaasahang kita sa Magbayad gamit ang Paxful at paano masusubaybayan ang mga iyon.

    Magkano ang kikitain mo depende sa mga transaksyon na nakumpleto ng mga bumibili.

    Bawat oras na matagumpay na makumpleto ang bentahan makikita mo ang transaksyon sa Dashboard ng Negosyante at maaari mong itakda ang callback solution upang maging awtomatiko ang resulta ng mga aksyon para sa iyo.

    Ang mga bayad ay pinangangasiwaan ng Bitcoin. Nangangahulugan ito na maaari mo silang iimbak bilang BTC sa inyong account para ipalita sa EUR/USD/atbp. Maraming serbisyo ang magagamit para dito, maaari mo ring gamitin ang mga palitan tulad ng Kraken.

    Tandaan: mayroong karagdagang (libreng) hakbang upang ilipat ang mga pondo mula sa merchant account mo patungo sa iyong Paxful wallet.

    Gaano karaming kontrol mayroon ako> Aalis ba ang mga bisita ko sa site ko?

    Ang link ng Kiosk ay maaaring ma-configure para buksan ang bagong tab O maaaring ma-configure para buksan ang loob ng iframe. Maaari mo itong itakda upang ang solusyon ay ma-embed bilang iframe katabi ng mga pahina upang hindi iwanan ng mga bisita ang website mo.

    Ano ang iba't ibang opsyon sa pag-configure?

    Pumili ka kung paano mo gustong i-configure ang link. May ilang pagpipilian may kinalaman sa:
    Currency: Maaari kang pumili ng bayad sa alinman sa BTC o sa FIAT currency (Maaaring ikumberte ng Paxful ang kabuuan batay sa presyo ng merkado).
    Sum: Karaniwang tinutukoy mo ito, pero may opsyon na hingin ang balanse sa Paxful ng user email (o kung ang balanse ay 0, kung gayon ay hayaang ilarawan ito ng user).
    Pagpaparehistro: Maaari mong tukuyin ang user email, para maging madali ang proseso ng pamimili.
    Tatanggap: Sa pangkalahatan, ang mga pondo ay dinideposito sa iyong balanse ng merchant account pero posible itong i-configure ang deposito sa anumang Bitcoin address.
    Callback: Kailangan mong tukuyin ang Callback address na maaaring mangasiwa sa mga callback parameter.

    Ang buong listahan ng teknikal na mga parametro ay magagamit dito: (https://developers.paxful.com/pay-with-paxful/authentication-requirements/).

    Gaano talaga kadali para gamitin ito?

    Para sa mga negosyante, ang proseso ng pagtatakda nito ay lubhang tuwiran. Kailangan mong gumawa ng coding para ma-configure ang paggawa ng link. Makikita mo ang mga halimbawa mula sa dokumentasyon ng developer: developer page.

    Para sa mga mamimili, ang proseso ng pagbili ay magiging medyo kakaiba. Kailangan nilang kumpletuhin ang trade sa ibang tao, pero ang nagtataglay ang solution ng kakaibang panukalang halaga para sa kanila. Inaasikaso na namin para mahusay ang karanasan ng mamimili.

    Ano ang sangkot na bayad?

    Bilang Negosyante, walang bayad para gamitin ang Magbayad gamit ang Paxful.

    Kailangang magbayad ang mga mamimili ng karaniwang premium na itinakda ng mga Vendor. Nangangahulugan ito na ang mga mamimili ay kailangang magbayad nang higit sa halagang hinihiling mo mula sa kanila upang makobrehan ang mga Vendor premium.

    Kung gusto mong gamitin ang Panlabas na mga BTC address para sa mga transaksyon, kung gayon bawat ora na gamitin ang panlabas na transaksyon, ang halaga ng pagpapadala na 0.0005 BTC ay ibabawas mula sa halaga.

    Ano ang pinakamababa at pinakamataas na posibleng kabayaran?

    Ang negosyante ay maaaring humiling ng anumang halaga, pero ang pinakamababang halaga ng trade ay 10 dolyar (gayundin sa ibang mga currency). Anumang halaga na mas malaki kaysa sa halagang hiniling ng negosyante ay mananatili sa balanse ng Paxful ng mamimili at maaari nila itong gamitin o withdrawhin anumang oras.

    Walang direktang limitasyon sa sukat ng pamimili ngunit para sa malalaking halaga, dapat magkaroon ang mamimili ng maraming trade at maaari ring humiling ang vendor ng karagdagang mga pamamaraan ng KYC.

    Saan makikita ang higit na impormasyon may kinalaman sa Magbayad gamit ang paxful?

    Ang higit pang impormasyon ay matatagpuan sa landing page: https://paxful.com/pay-with-paxful at ang gabay ng developer dito: https://developers.paxful.com/pay-with-paxful/introduction/

    It is also possible to write to support or get a personal account manager for larger merchants Posible ring sumulat ng suporta o makakuha ng personal na tagapangasiwa ng account para sa mas malalaking negosyante: [email protected]