Bakit ang halagang ipinadala ay maaaring kakaiba mula sa natanggap?

Habang nagpapadala ng mga bitcoin mahalagang tandaan ang mga singil sa transaksyon at ang posibleng mga dipedensiya sa rate ng currency.

Isipin natin na kailangan mong magpadala ng 0.05 BTC sa sa pang wallet.

Pagpapadala ng BTC sa pagitan ng mga Paxful wallet.

Kapag pinadala mo ang halagang ito sa Paxful wallet, nangangahulugan ito na gumagawa ka ng panloob na transaksyon sa Paxful. Walang bayad sa unang limang transaksyon kada buwan. Pagkatapos nito, ang singil na  - 1 USD o 1% ng halagang ipinadala, alinman ang mas malaki, ay sisingilin. Kaya ang halagang binawas mula sa wallet mo ay magiging eksaktong 0.05 BTC (0.05 BTC + 1 USD simula sai ka-6 na transaksyon kada buwan). Ang deperensiya ng rate ng currency ay hindi mababagoe. Kapag habang nagpapadala ng 0.05 BTC ito ay magiging katumbas ng 100 USD, makikita ng tatanggap ang parehong rate pagkatapos matanggap ang transaksyon. Dahil ito sa katotohanan na ang mga transaksyon sa loob ng Paxful ay madalian. Kaya ang epekto ng pagtataas at pagbaba ng currency ay tinatanggal sa nasabing panloob na mga transaksyon ng wallet.

Pagpapadala ng BTC sa pagitan ng Paxful at panlabas na mga wallet.

Ang pagpapadala ng pondo sa panlabas na wallet ay magkakaroon ng hindi nababagong singil sa transaksyon ng Paxful na 0.0005 BTC. Kaya sa aming halimbawa, kung nagpadala ka ng 0.05 BTC sa panlabas na wallet, ang kabuuan ng 0.0505 BTC ay babawasin mula sa wallet mo. Ang rate ng currency ay magiging iba rin mula sa isa na makikita ng tumatanggap ang kanilang wallet. Bakit?

  1. 0.05 BTC sa Paxful wallet ay maaaring katumbas ng 100 USD, sa isa pang serbisyo ng wallet magiging katumbas ito ng 101 USD o 99 USD, halimbawa.
  2. Maaaring tumagal ng ilang minuto ang panlabas na mga transaksyon. Sa timeframe na ito, ang halaga ng bitcoin ay maaaring magbago. Wala ito sa kontrol ng anumang serbisyo ng cryptocurrency. Kaya kung sa Paxful wallet mo, ang 0.05 BTC ay lilitaw bilang 105 USD, sa wallet ng tumatanggap ito ay maaaring lumitaw na mas mababa o higit , halimbawa, 100 USD o 115 USD, dahil sa pagbaba o pagtaas sa halaga ng bitcoin. Tandaan na nagpapadala ka ng mga bitcoint at hindi halaga ng fiat. Kaya ng tumatanggap ay makakatanggap pa rin ng 0.05 BTC sa kasong ito.
  3. Ang ilan sa mga serbisyo ng wallet ay maaaring magkaroon ng bayad sa deposito. Sa ibang salita, mula sa iyong 0.0505 BTC na binawas mula sa iyong Paxful wallet ang 0.05 BTC ay ipapadala sa tumatanggap. Gayunman, tanging 0.0495 BTC ang matatanggap sa account ng recipient dahil sa bayad sa deposito na 0.0005 BTC. Hindi sumisingil ang Paxful ng anumang bayad sa deposito.

Mga artikulo sa seksyong ito

Makakita ng higit pa