Beripikasyon ng email

Ang beripikasyon ng email ay mahalagang proseso para simulan ang pakikipagtrade sa Paxful. Nagdaragdag din ito ng layer ng seguridad sa account mo para sa i-restore o i-unlock ang account mo kung kinakailangan. Narito ang sunod-sunod na patnubay kung paano matagumpay na beberipikahin ang email mo.

  1. Mag-login sa Paxful account mo, i-hover sa ibabaw ng username sa kanang tuktok ng page at pindutin ang Settings mula sa context menu na lumilitaw.
    Email_verification_1.png

    Ang page ng Settings ay lilitaw.

  2. Sa ilalim ng beripikahin ang email address pindutin ang Ipadalang muli ang email
    Email_verification_2.png 
    Ang email ng beripikasyon ay ipapadala sa rehistradong email address mo. 
  3. Buksan ang email sa inbox mo na natanggap mula sa [email protected], at pindutin ang Kumpirmahin ang Email. Ang email address mo ay matagumpay na beripikado. 

Tandaan:

  • Maaari kang humiling ng bagong email ng kumpirmasyon isang beses lang kada 20 minuto.
  • Kung hindi mo makita ang email namin sa regular inbox mo, tingnan ang iyong Spam o Junk email folder din.
  • Ang iyong email ay beripikado, maaari mong itakda ang custom username sa iyong Account settings. NB! Maari itong isagawa nang minsan lang!

Pagkatapos mong ma-verify ang email mo, nirerekomenda din namin sa iyo na beripikahin ang numero ng telepono mo at itakda ang two-factor authentication para sa account mo.

 

Mga artikulo sa seksyong ito

Makakita ng higit pa