Pagdeposito ng mga barya mula sa bitcoin ATM sa aking Paxful wallet

Ang pagpapadala ng mga bitcoin mula sa ATM patungo sa Paxful Wallet ay napakasimple.

Ang mga Bitcoin ATM ay tulad lang ang anumang regular na mga ATM sa paraan na pareho silang naglalabas ng currency. Ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng dalawa ay naglalabas ang mga regular na ATM ng mga fiat currency tulad ng USD o EUR, habang ang mga bitcoin ATM ay naglalabas ng bitcoin.

Ang bitcoin ATM ay maaaring magkaroon ng iba't ibang gamit. Ang ilan ay makatutulong sa iyo na magwithdraw ng mga bitcoin, ang ilan ay makakatulong sa iyo na ikumberte ang mga bitcoin mo sa mga fiat currency, at may ilan na gayundin ang gagawin.

Ang mga Bitcoin ATM ay kadalasang hindi nangangailangan ng maraming beripikasyon na pinahihintulutan ang mga user na bumili at magbenta ng mga bitcoin nang hindi nakikilala. Kahit na mukha itong kaakit-akit sa ilang tao, dapat malaman ng mga user na ang mga bitcoin ATM ay sumisingil ng bayad kung bumibili at nagbebenta ka ng bitcoin (karaniwang sa pagitan ng 7-10%).

Kung nais mong magpadala ng mga bitcoin mula sa ATM sa iyong Paxful wallet, ang tanging gagawin mo lang ay isulat i i-print ang bitcoin address ng Paxful, magpunta sa ATM, at ilagay ang adres nang magpadala ka ng bitcoin. May opsyon ka rin na gamitin ang QR code sa halip na manwal na ipasok ang address. Tingnan ang aming patnubay para sa mas detalyadong impormasyon.

Sa oras na makapagpadala ka na ng bitcoin, tatagal ito nang ilang minuto para lumitaw sa wallet mo. Narito ang artikulo kung paano mo susuriin ang status ng transaksyon ng bitcoin.

 

Mga artikulo sa seksyong ito

Makakita ng higit pa