Pagbili ng mga bitcoin gamit ang cash na pagbabayad

May iba't ibang uri ng mga pagbabayad ng cash na magagamit mo para bumili ng mga bitcoin sa Paxful. Ang artikulong ito ay nagbibigay sa iyo ng buod sa pagbili ng mga bitcoin gamit ang anumang suportadong pagbabayad ng cash.

Bago ang pakikipagtrade

Bago bumili ng bitcoin gamit ang pagbabayad ng cash, narito ang ilang mga bagay na dapat isaalang-alang:

  • Ilang paraan ng pagbabayad gaya ng Cash By Mail o Cash In Person, kinakailangan ang buong ID at beripikasyon ng address (para sa halagang mas malaki sa 50 USD kada trade).
  • Sa ilang mga dispute, napakahirap sa Paxful na maglaan ng tulong maging handa na maghain ng ulat ng Pulisya sa gayong mga kaso.

Trading

Naghahanap ng alok

Ang unang hakbang para bumili ng mga bitcoin gamit ang cash ay tingnan ang alok na tumatanggap ng cash bilang bayad. Kailangan mo ring ilagay ang halaga na gusto mong bilhin at ang mas gusto mong currency

Kapag nahanap mo ang alok na bagay sa iyo, siguraduhing basahin ang mga termino ng alok bago simulan ang trade. Ipapakita nito sa iyo ang maikling buod kung ano ang hinihingi ng seller sa iyo tungkol sa pagbabayad. Sa kaso ng Cash In Person, dapat magbigay ng maikling listahan ang mga termino ng alok upang matugunan ang mga kagustuhan.

Pagkatapos basahing mabuti ang mga termino ng alok at kumpirmahin na susunod ka sa lahat ng mga kahilingan, oras na para simulan ang trade. Sa oras na makapagsimula na ang trade, ang mas espesipikong pangkat ng mga tagubilin ay dapat lumitaw para sa pagkikita. Kadalasan, para sa mga cash trade, hihingin ng mga seller sa iyo ang resibo ng teller. Kung sa anumang oras na makadama ka ng kalituhan tungkol sa mga tagubilin, huwag mag-atubiling magpadala ng mensahe sa seller sa pamamagitan ng trade chat. Tutulungan ka niya sa anumang kalituhan na mayroon ka.

Gumagawa ng alok

Para bumili ng bitcoin gamit ang pagbabayad ng cash, maaari ka ring gumawa ng sarili mong alok. Narito ang ilang mga bagay na dapat isaalang-alang:

  • Magtakda ng margin na sa tingin mo ay kikita dahil walang pinapayagang mga negosasyon sa oras ng trade.
  • Sumulat ng malinaw na mga termino at mga tagubilin ng alok.
  • Linawin kung paano ka magbibigay ng pruweba ng bayad at kung gaano katagal ang kailangan mo para makapagsagawa ng pagbabayad.
  • Sa kaso ng Cash In Person, ilagay nang malinaw, kung saan mo gustong magkita.

Tip: Piliin ang mga pampublikong lugar para sa Cash In Person na mga trade.

Pagkatapos gumawa at maglathala ng naka-personalize mong alok, antayin ang seller na simulan ang pakikipagtrade sa iyo. Sa oras na makapagsimula ka na sa trade, makakatanggap ka ng notipikasyon. Huwag mag-atubiling talakayin ang lahat ng kinakailangang mga detalye sa kasosyo mo sa trade at magsagawa ng pagbabayad.

Kinukumpleto ang trade

Para saCash In Person na trade, sa sandaling maayos ang lahat ng mga detalye, oras na para makipagkita sa seller mo. Pumunta sa espisipikong lugar at ibigay ang cash sa seller. Sa sandaling magawa ito, pindutin ang Bayad na at hintayin ang seller na ibigay ang bitcoin sa Paxful wallet mo.

Tandaan na sa kaso ngCash By Mail, kailangan ng matinding pagtitiyaga sa parehong panig.

Gamit ang ibang mga paraan ng pagbabayad ng cash, simpleang mismong proseso ay kadalasang napakasimple. Sa anumang kaso, laging siguraduhin na tama ang mga detalye mo ng natatanggap, ang lahat ng posibleng patunay ng pagbabayad at tandaang pindutin ang button na Bayad na sa trade chat.

Sa sandaling ipalabas ng seller ang BTC sa wallet mo, kumpleto na ang trade.

Pagkatapos ng trade

Sa oras na makumpleto na ang trade, maaari kang mag-iwan ng angkop na tugon para sa kasosyo mo sa trade. Gayundin, kung gusto mong makipagtrade sa user, maaari mo silang idagdag sa listahan ng mapagkakatiwalaan

Narito ang ilan sa mga tip kung paano bumili ng mga bitcoin sa Paxful.


Mga artikulo sa seksyong ito

Makakita ng higit pa