Mga singil ng Paxful

Magtrade ng Bitcoin

Grupo ng Pagbabayad Magbenta ng Bitcoin Bumili ng Bitcoin
Mga Transfer sa Bangko 0.5% walang bayad
Credt/Mga Debit Card 1% walang bayad
Mga Digital na Currency 1% walang bayad
Mga Online Wallet 1% walang bayad
Cash 1% walang bayad
Mga Gift Card

3% para sa lahat ng mga uri ng gift card
(maliban sa iTunes at Google Play)

5% na iTunes at Google Play

walang bayad

 

Magpadala ng Bitcoin

Uri ng Wallet Magpadala Paparating
Panlabas na Wallet $0 - $9.99 = 0.0001 BTC
$10 - $19.99 = 0.0002 BTC
$20+ = 0.0005 BTC
walang bayad
Panloob na wallet

5 kada buwan - walang bayad

mahigit 5 kada buwan - bayad na $1.00 o 1% ng halagang ipinadadala, alinman ang mas malaki.

walang bayad

 

Bumibili ng Bitcoin

  • Ang Paxful ay hindi sumisingil ng anumang bayad sa mga customer na bumibili ng bitcoin.
  • Kapag bumibili ng bitcoin mula sa isa pang customer sa Paxful, bumibili ka ng bitcoin sa halagang itinakda ng mga customer mismo. Ang mga rate na ito ay iba't iba batay sa maraming salik tulad ng iyong status ng beripikasyon, paraan ng pagbabayad, kasalukuyang pares (tulad ng USD, EUR, CNY), at laki ng order.
  • Tiyakin na sinusuri ang bawat alok na pinipili mo kapag bumibili ng bitcoin. Ang tips kung paano bumili ng bitcoin ay makikita dito.

Nagbebenta ng Bitcoin

  • Ang Paxful ay sumisingil ng mga bayad sa mga customer na nagbebenta ng bitcoin.
  • Ang singil ay iba't iba depende sa paraan ng pagbabayad na tinatanggap mo sa pagbebenta ng iyong bitcoin.
    • Mga Tranfer sa Bangkos: 0.5%
    • Credt/Mga Debit Card: 1%
    • Mga Digital na Currency: 1%
    • Mga Online Wallet: 1%
    • Cash: 1%
    • Mga Gift Card: 3% para sa lahat ng uri ng gift card (maliban sa iTunes at Google Play), 5% iTunes at Google Play. 
  • Ang halaga ng escrow na ito ay binabawas mula sa Paxful wallet mo sa simula ng trade. Sa oras na makumpleto na ang trade, tatanggap ang Paxful ng bayad sa escrow. Kapag hindi kumpleto ang trade, lalo na kung ang bitcoin ay ibinalik mula sa escrow patungo sa seller, walang sisingilin ang Paxful.

 Pagpapadala ng Bitcoin

  • Ang Paxful ay nagkakaltas sa wallet ng bayad sa pagpapadala sa bawat pagpapadala mula sa Paxful wallet patungo sa panlabas na Bitcoin address. Narito ang tatlong tier ng aming mga singil:
    • $0 -$9.99 = 0.0001 BTC
    • $10 -$19.99 = 0.0002 BTC
    • $20+ = 0.0005 BTC
  • Sakop ng bayad na ito ang kaugnay na bayad ng minero at pagpapanatili ng ating ligtas na imprastruktura ng wallet.    
  • Ang pagpapadala ng bitcoin sa isa pang customer ng Paxful ay libre sa unang 5 transaksyon na ipinadala kada buwan. Pagkatapos nito, ang bayad na $1.00 o 1% ng halaga ng pagpapadala, alinman ang mas malaki ay ilalapat sa bawat transaksyon na ipinadala sa isa pang customer ng Paxful. Ang bayad ay sisingilin sa Bitcoin at kakalkulahin batay sa rate ng merkado ng Bitcoin sa oras ng transaksyon. Kung wala kang Bitcoin na katumbas ng $1.00 hindi ka makakapagpadala ng mga pondo.

Tandaan: Ang singil sa internal wallet na $1.00 o 1% ay naitatag dahil sa dami ng trade sa labas ng escrow sa aming platform. Ang mga off-escrow trade ay mga trade na isinagawa nang walang pahintulot namin dahil nangyayari ang mga iyon sa aming regular na proseso ng trade. Ang bayad na ito ay ginagawa upang maiwasan na abusuhin ng ilan sa mga user ang aming Termino ng Serbisyo.

Mga artikulo sa seksyong ito