Paxful escrow

Ang escrow ng Paxful ay naroon para panatilihing litas ang mga bitcoin mo. Kaya paano gumagana ang escrow? 

Ang Paxful ay peer-to-peer bitcoin na pamilihan, ang lugar kung saan ang mga tao ay nagkakakilala at ligtas na nagpapalitan ng bitcoin para sa mahigit 300 paraan ng pagbabayad. Ang mga vendor namin ay lumilikha ng mga alok kasama ang mga terminong kinakailangan nila at nagtatakda ng presyo. Sa oras na makahanap ang bumibili ng alok na angkop sa kanya, magsisimula ang trade. Awtomatiko nitong itatakda ang mga bitcoin mula sa wallet ng vendor upang mareserba sa safety deposit account (escrow), kung saan ibibinbin ito hanggang makumpleto ang transaksyon.

Kapag naberipika na ng bumibili at ng vendor na ang transkasyon ay nakumpirma na at ang lahat ng mga termino ay natugunan, ang pera ay ilalabas sa wallet ng bumibili.

Kapag nagpasya ang bumibili na ayaw niyang bumili ng mga bitcoin pwede niyang basta na lang kanselahin ang trade at ang mga bitcoin ay ibabalik sa account ng nagbebenta.

Kung sa anumang kalagayan na may hindi pagkakasundo sa pagitan ng bumibili at ng vendor, ang proseso ay ililipat sa dispute. Pagkatapos ay mamamagitan ang aming mga tagapamagitan at iimbestigahan ang lahat ng impormasyon at isasaalang-alang ang lahat ng detalyeng magagamit at gagawa ng desisyon kung sino ang karapat-dapat sa mga bitcoin. Karamihan sa mga transaksyon ay sasailalim nang walang kinakailangan para sa dispute, pero ang Paxful bilang pagiging peer-to-peer marketplace, laging magkakaroon ng mga user na susubukang samantalahin ang iba. Ito ang dahilan kung bakit mayroon kaming 24/7 na dedikadong customer support team. Ang iyong negosyo at pera ang aming pangunahing prayoridad, at ginagawa namin ang lahat ng aming magagawa upang mapanatili silang ligtas.

Mga artikulo sa seksyong ito

Makakita ng higit pa