Pagtanggap at pagdeposito ng mga bitcoin

Kapag nag-sign up ka sa Paxful, makakakuha ka ng libreng bitcoin wallet. Gamit ang libreng wallet na ito, makakakuha ka rin ng pangkalahatang Bitcoin address. Ang address na ito ay mukhang mahaba at kumplikadong password na may mga numero at letra (may malalaki at maliliit na titik) na walang malinaw na pagkakasunod-sunod.

Ang adres na ito ay hindi kailanman mapapaso, kaya kopyahin lang at gamitin ito para makatanggap ng mga bitcoin mula sa ibang mga wallet o mga ATM ng Bitcoin. Maaari ka ring gumawa ng bagong Bitcoin address para sa karagdagang pagkapribado/seguridad. Maaari kang gumawa ng maraming Bitcoin addres hangga't gusto mo at gamitin iyon nang kahit ilang beses.

Kapag nagpadala ng bitcoin ang ibang mga tao sa adres na ito, direkta itong papasok sa wallet mo. Hindi laging mabilis. Dahil ang mga transaksyon sa bitcoin ay hindi maibabalik at dahil dito, kailangang kumpirmahin ng Bitcoin ang transaksyon tatlong beses bago ilabas ang mga bitcoin sa wallet mo. Kaya maging mapagpasensya at maglaan nang sandali. Sa oras na maipadala na ang mga bitcoin, kailangan mong makakuha ng notipikasyon na nagsasabing “paparating na mga bitcoin sa 0 na kumpirmasyon” o "Hindi kumpirmado". Kapag ang bilang na iyon ay umabot nang 3, dapat mong tingnan ang mga bitcoin mo sa iyong wallet. Tatagal ito nang mula 20 minuto hanggang depende kung gaano karami ang tao sa network ng Bitcoin.

Para magdeposito ng mga bitcoin sa Paxful wallet mo:

1. Mag-login sa Paxful account mo at pindutin ang Wallet.
Deposit1.png

Ang page ng Wallet ay lilitaw.
2. Kopyahin ang address ng wallet mula sa screen o pindutin ang KOPYAHIN ANG ADDRESS.
Kung ang app o ATM na ginagamit mo sa pagpapadala ng mga bitcoin sa Paxful wallet mo ay may opsyon na i-scan ang QR-code, i-scan lang ang QR-code mula sa Paxful wallet mo.
Screenshot_2020-02-06_at_15.23.38.png

Tandaan:

  • Maaari mong pindutin ang Kumuha ng bagong address para gumawa ng bagong karagdagang address gamit ang bagong QR-code.
  • Karaniwang pagkatapos i-scan ang QR-code, mga app o ATM huwag gumawa ng agarang pagtransfer kundi i-download lang ang wallet address sa kanilang system. Kaya kapag ini-scan mo ang maling address, may pagkakataon ka pa ring kanselahin ang transaksyon.

 3. Ilagay ang wallet address ng Paxful wallet sa app, website o ATM. Kapag na-scan mo na ang QR-code, ang address ng wallet address mo ay awtomatikong lilitaw sa screen ng app o sa ATM.
4. Kumpirmahin ang pagpapadala ng mga bitcoin sa Paxful wallet mo.

Babala: Tiyakin na na ipinadadala mo ang mga bitcoin at walang anumang iba pang cryptocurrency (Litecoin, Bitcoin Cash, Ethereum, atbp.). Ang ganitong mga transaksyon ay magdudulot ng pagkawala ng pera mo.

Tandaan:

  • Tiyakin na may sapat kang pondo sa pagpapadala ng wallet o ATM. Mag-ingat sa pinakamababang halaga ng transkasyon ng BTC.
  • Tandaan na ang taong nagpapadala ng bitcoin ang magbabayad ng singil sa transaksyon. karaniwan, ang halagang ipinadadala mo, ang halagang sisingilin sa iyo bilang singil sa network, ang kabuuang halagang binawas mula sa wallet mo ay malinaw na ipinakikita sa iyo bago mo kumpirmahin ang bitcoin transfer.

Hintaying dumating ang BTC mo at simulan ang trading sa oras na handa ka na. Maaari mo ring laging ang status ng transaksyon ng bitcoin mo.

Basahin ang higit sa paksang Bitcoin ATM o tingnan kung paano magpadala ng mga bitcoin mula sa Paxful wallet mo. Kung gusto mong simulan ang trading, tingnan ang sumusunod na mga gabay: paggawa ng mga alok sa pagbebenta at pagbebenta ng mga bitcoin.

Mga artikulo sa seksyong ito

Makakita ng higit pa