Paggawa ng account sa Paxful

Ang paglalakbay mo sa Paxful ay nagsisimula sa simpleng desisyon: gumawa ka man o hindi ng account. Kung sa tingin mo ay handa ka nang makibahagi s mundo ng crypto at pinansiyal na kalayaan, kung gayon ang susunod na hakbang ay gumawa ng Paxful account mo. Ang paggawa ng account mo ay madali at naaangkop sa user. Sa oras ng pagrehistro, makakakuha ka rin ng libreng wallet upang iimbak ang mga bitcoin na kinita mo mula sa pakikipagtrade sa Paxful.

Narito ang Paxful school tutorial upang gabayan ka sa proseso ng paggawa ng iyong account:

Para gumawa ng bagong Paxful account:

1. Buksan ang web browser at ilunsad ang Paxful webpage: https://www.paxful.com. Lilitaw ang Paxful home page. 

2. Pindutin ang Lumikha ng account sa ibabaw ng kanang panig ng pangunahing page.
1.2.png
Ang page na Gumawa ng account ay lilitaw.
2.2.png

3. Kumpletuhin ang sumusunod na field sa sigup form:

Pangalan ng Field Paglalarawan Mga Komento
E-mail Ilagay ang email address mo. Maaaring baguhin ang email sa loob lang ng unang 7 araw at sakaling mali ang baybay.
Password Gumawa ng matibay na password. Ang password mo ay dapat na :
6 na karakter man lang ang haba
May isang karakter na maliit ang titik
May isang espesyal na karakter (@#* etc.)
May isang numero
May isang malaking titik na karakter

Note: Sa pagrerehistro sa Paxful, makakukuha ka ng awtomatikong paglikha ng username. Makakagawa ka ng pasadyang username sa susunod. Para magtakda ng personalisadong username, kailangan mong beripikahin ang email mo.

4. Basahin ang aming Mga Termino ng Serbisyo, Mga Termino ng Serbisyo ng Affiliate Program at Abiso sa Pagkapribado at pumili ng checkbox para sumangayon sa amin.

3.2.png

5. Pindutin ang Gumawa ng libreng Paxful account.
4.2.png

6. Kumpletuhin ang beripikasyon ng captcha mo.
Ang aktibasyon ng email ay ipinadala sa email address mo.
7. Magpunta sa inbox mo, buksan ang email mo mula sa [email protected] at pindutin ang Kumpirmahin ang Email.
6.2.png

Bilang kahalili, sundin ang pamamaraan na inilarawan sa beripikasyon ng Email para kumpirmahin ang email mo.

Ang account mo ay nakarehistro at ang email mo ay nakumpirma.

Sa oras na magawa mo na ang account mo, nirerekomenda namin na beripikahin ang iyong telepono at kilalanin gayundin ay makakuha ng higit na mga oportunidad sa pakikipagtrade sa aming platform. Kung may iba ka pang katanungan para siyasatin ang aming knowledge base, makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng aming live chat sa aming website, o magpadala ng mensahe sa amin sa Facebook, Twitter, o Instagram.

Mga artikulo sa seksyong ito

Makakita ng higit pa