Trade Page Lite

Lumikha ang Paxful ng simple at mas mahusay na diskarte sa mga trade. Maaaring gumana ang pakikipagtrade ngayon na walang mga trade chat na nakakaubos-oras. Nagiging posible ito dahil ang pinakamahalagang mga tagubilin sa pagtrade at mga kinakailangan ay bahagi na mismo ngayon ng proseso sa pakikipagtrade. Ang mga kinakailangan, na direktang nakaaapekto sa daloy ng trade, ay pinipili ng Vendor sa panahon ng proseso ng paglikha ng alok. Ang mga setting na ito ay tiyak ang pamamaraan ng pagbayad. Narito ang buod ng bagong tampok, na tinawag na Trade Page Lite.

Pakitandaan: Sa ngayon, ang pagpipilian na ito ay magagamit lang sa mga alok na Pagbebenta sa PayPal.

 

Paglikha ng alok

Pakikipagtrade bilang Nagbebenta ng Bitcoin

Pakikipagtrade bilang Mamimili ng Bitcoin

Paglikha ng alok

Para mapagana ang tampok na ito, kinakailangang makipag-ugnayan sa aming Pangkat ng Karanasan sa Customer.

Sa pinasimpleng bersyon, dadaanan mo ang gayunding proseso na nasa klasikong bersyon. Gayunpaman, magkakaroon ka ng karagdagang tiyak na kinakailangan sa pagbabayad na pagpipilian. Iiwasan ang chat bilang mga tagubilin sa pakikipagtrade at iuugnay ang mga kinakailangan sa daloy ng trade. Narito ang halimbawa ng gayong proseso sa alok sa Paypal:

Lilikha ka ng karaniwang alok para ibenta ang mga bitcoin mo.

tradelite.png

tradelite0.png

Sa hakbang 2, magkakaroon ka ng mga karagdagang bahagi na sasagutan:

tradelite01.png

1. Listahan ng mga pagpipilian na hihilingin bago maisagawa ang pagbabayad.

Tandaan: maaaring tanggalin ang kahilingan sa ID request can be removed sakaling nakapagtrade na dati ang vendor sa buyer at kung matagumpay na naberipika ng buyer ang kanyang ID sa aming Compliance Team.

 2. Ang isang file ay hihilingin pagkatapos na magawa ang pagbabayad.

3. PayPal email upang gawin ang pagbabayad na ipapakita sa isang mamimili sa sandaling maaprubahan mo ang ID ng bumibili.

Pakikipagtrade bilang Nagbebenta ng Bitcoin

Hakbang 1

Kapag nagsimula ang isang kalakalan, makikita mo ang page na ito. Dito at mula ngayon magkakaroon ka ng isang pagpipilian upang lumipat sa classic chat trade:

tradeliteseller1.png

Hintayin ang buyer na mag-upload ng kanyang ID. Samantala, mayroon kang pagpipilian upang lumipat sa regular na chat mode sa pamamagitan ng pag-click sa “Humiling ng chat”.

Sa oras na maipadala na ng buyer ang mga dokumento mo, magkakaroon ka ng sumusunod na opsyon na pagpipilian:

1. Tingnan ang in-upload na file buyer.

2. Tanggapin ang file at magpatuloy.

3. Tanggihan ang file at hayaan ang buyer na subukan ang isa pang file.

4. Lumipat sa page ng classic chat.

tradeliteseller2.png

Kung ayos na lahat, pindutin ang “Tanggapin” para magpatuloy sa susunod na hakbang.

Hakbang 2

Hintayin ang buyer na bumili. Kung kinakailangan, simulan ang chat sa trade partner sa pamamagitan ng pagpindot sa “Humiling ng chat”.

tradeliteseller3.png

Sa oras na makumpirma na ng buyer ang pagbabayad, magagawa mo ang sumusunod:

1. Tingnan ang patunay ng pagbabayad.

2. Kumpirmahin ang pagtanggap ng bayad.

3. Ilabas ang BTC kung OK ang lahat.

4. Humiling ng chat para linawin ang tiyak na mga detalye.

5. Simulan ang dispute sakaling may problema sa bayad o kahina-hinalang mga aksyon mula sa panig ng buyer.

tradeliteseller4.png

Sa karaniwang senaryo, kumpirmahin lang ang bayad at pindutin ang “Ilabas ang BTC”.

Hakbang 3

Matapos ang isang matagumpay na trade, huwag kalimutang mag-iwan ng feedback sa pamamagitan ng pagpindot sa “Mag-iwan ng feedback”

tradeliteseller5.png

Pakikipagtrade bilang Mamimili ng Bitcoin

Sinimulan mo ang trade katulad ng dati:

tradelitenew1.png

tradelitenew2_.png

Hakbang 1

Makikita mo ang page na ito. Dito magagawa mong:

1. I-upload ang mga ID file na hiniling ng nagbebenta.

2. Kanselahin ang trade kung nagkaproblema.

tradelitebuyer1.png

Pagkatapos pindutin ang button na “I-upload” pumili ng kinakailangang mga file:

1. I-upload ang file mula sa iyong device.

2. Magbigay ng direktang link sa file.

3. Gumawa at mag-upload ng litrato ng ID.

tradelitebuyer2.png

Para magpatuloy pindutin ang “I-upload”:

tradelitebuyer3.png

Ang sumusunod na mga opsyon ay lilitaw:

1. Burahin ang naka-upload na file at subukan muli.

2. Magpadala ng mga file sa vendor.

3. Kanselahin ang trade.

Kung handa ka, pindutin ang “Ipadala sa vendor”.

tradelitebuyer4.png

Tandaan: Maaaring ilipat ng nagbebenta ang iyong trade sa classic chat.

Hakbang 2

Habang naghihintay ka sa nagbebenta para repasuhin ang mga dokumento mo, maaari mong kanselahin ang trade:

tradelitebuyer5_.png

Sa oras na ang ID mo ay tatanggapin, magagawa mo ang sumusunod:

1. I-upload ang patunay ng pagbabayad sa katulad na paraan tulad ng iD.

2. Kanselahin ang trade.

tradelitebuyer6.png

Pagkatapos magbayad at mag-upload maaari mong:

1. Tanggalin ang file at subukan muli.

2. Pindutin ang “Kumpleto na ang pagbabayad” at magpatuloy.

3. Kanselahina ng trade.

tradelitebuyer7.png

Kung sigurado ka na ang bayad ay matagumpay na naisagawa, pindutin ang “Kumpleto na ang bayad”.

Hakbang 3

Habang naghihintay ka na kumpirmahin ang bayad at ilabas ang BTC, maaari mong kanselahin ang trade:

tradelitebuyer8.png

Sakaling tagumpay, makikita mong sumusunod na page:

tradelitebuyer9.png

Maaari ka na ngayong mag-iwan ng feedback sa trade partner mo. 

Mga artikulo sa seksyong ito

Makakita ng higit pa