Nais gamitin ang Paxful Mobile Wallet sa Android sa China? Nakaharap ka sa mga paghihigpit sa internet para ma-access ang Google Play? Narito ang mga hakbang na maaari mong gawin para i-install nang matagumpay ang Mobile Wallet.
Hakbang 1
Mag-install ng VPN sa device mo.
Maraming mga website na tagapagbigay ng VPN ang naka-block sa China. Gayunman, maaaring lumikha ng mga “mirror” na website ang pangunahing tagapagbigay (eksaktong mga kopya ng website na may ibang URL) na maaaring i-access. Makikita ang mga ito sa Internet.
Nasa ibaba ang listahan ng pinakasikat na mga serbisyo ng VPN:
- Express VPN
- VyprVPN
- Nord VPN
- Surfshark
- Astrill
- StrongVPN
Pakitandaan: Huwag bumili ng VPN hanggang hindi mo nasusuri kung gumagana ito sa China!
Hakbang 2
I-download ang Google Play at kunin ang pinakabagong bersyon ng aming app.
- Pumunta sa website ng Google. Narito ang link.
- I-download ang Google Play App sa iyong mobile device.
- Maghanap sa Google Play Market para sa Paxful Bitcoin Wallet o magpunta sa aming website.
Sa sandaling ma-install mo ang aming ligtas at kombenyenteng mobile app sa pagtrade, huwag mag-atubili para sa mga karagdagang katanungan sa aming Pangkat ng Karanasan ng Mamimili o tuklasin ang aming FAQs.