Alin sa mga alok ko ang lilitaw sa publikong mga listahan?

Maaari kang lumikha ng maraming alok na sa tingin mo ay kinakailangan. Kapag nagpunta ka s a iyong Vendor Dashboard o Classic Dashboard, makikita mo ang lahat ng iyong mga alok. Gayunman, kung mayroon kang mahigit isang alok sa parehong uri ng alok, paraan ng pagbabayad at currency, isa lang sa kanila ang ipapakita sa publiko.

Kung mayroon kang mahigit isang alok para sa parehong paraan ng pagbabayad, ang uri ng alok at currency, pipiliin ng system namin ang pinaka kumikitang margin para sa iyong potensiyal na mga trade partner.

Halimbawa:

Mayroon kang dalawang alok para magbenta ng bitcoin gamit ang mga bank transfer at USD:

  1. Ang alok na may margin na 15%.
  2. Ang alok na may margin na 5%.

Ang pangalawang alok ay ipapakita sa pampublikong listahan.

Mayroon kang dalawang alok para bumili ng bitcoin gamit ang mga bank transfer at USD:

  1. Ang alok na may margin na 15%.
  2. Ang alok na may margin na 5%.

Ang unang alok ay ipapakita sa pampublikong listahan.

Tandaan:

  • Para magsagawa ng isa pang alok na makikita sa pampublikong listahan, paki-deactivate ang nakikitang alok.
  • Maaari kang magkaroon ng maraming alok para sa parehong paraan ng pagbabayad na makikita kung ang bawat isa sa kanila ay may iba't ibang currency.
  • Ang tuntunin na ito ay ipinatupad upang maiwasan ang pagmamanipula ng merkado sa aming platform.

Mga artikulo sa seksyong ito