Pagbili ng mga bitcoin gamit ang mga gift card

Ang mga gift card ay popular na paraan ng pagbabayad ng Paxful. Bibigyan ka ng buod ng artikulong ito sa pagbili ng mga bitcoin gamit ang mga suportadong bank transfer.

Bago ang pakikipagtrade

Bago bumili ng bitcoin gamit ang mga gift card, narito ang ilang mga bagay na dapat isaalang-alang:

  • Maaari mong ibenta ang mga card na personal mong pagmamay-ari.
  • Siguraduhing may balanse ang iyong card.
  • Para sa higit na impormasyon, tingnan ang aming malaking artikulo sa mga detalye ng gift card trade.

Trading

Naghahanap ng alok

Ang unang hakbang para bumili ng mga bitcoin gamit ang mga gift card ay tingnan ang alok na tumatanggap ng uri ng iyong gift card. Kailangan mo ring ilagay ang halaga ng bitcoin na gusto mong bilhin at ang mas gusto mong currency.

Kapag nahanap mo ang alok na angkop sa iyo (paghahanap kung magkano ang mga bitcoin na makikita mo sa dolyar at ang pananagutan ng seller), tiyakin na nabasa mo ang mga termino ng alok bago magsimula sa trade.

Tip: Bigyang-pansin kung humihingi ang seller ng resibo o tumatanggap ng mga e-code o mga pisikalna card lamang

Sa sandaling simulan mo ang trade, lilitaw ang mas detalyadong hanay ng mga tagubilin. Ang mga ito ay tinatawag na mga tagubilin sa trade. Sa ilang mga kaso, ang mga seller ay may detalyadong gabay para sundan mo.

Gumagawa ng alok

Para bumili ng bitcoin gamit ang mga gift card, maaari ka ring gumawa ng sarili mong alok. Naritoa ang ilang mga bagay na dapat isaalang-alang:

Pagkatapos gumawa at maglathala ng naka-personalize mong alok, antayin ang seller na simulan ang pakikipagtrade sa iyo. Sa oras na makapagsimula ka na sa trade, makakatanggap ka ng notipikasyon. Huwag mag-atubiling talakayin ang lahat ng kinakailangang mga detalye sa kasosyo mo sa trade at tapusin ang pagbabayad.

Pagkumpleto ng trade

Sa oras na mabayaran mo na ang seller at ma-upload ang patunay ng bayad mo, pindutin ang Bayad na. Ang bayad mo ay hindi kumpirmado maliban kung pinindot mo ang Bayad na at kapag nalimutan mong gawin iyon, ang trade sa kalaunan ay matatapos at ang mga bitcoin ay babalik sa trade escrow patungo sa seller.

Ang huling hakbang ay kumpirmahin ng seller ang bayad. Maging mapagpasensya dahil maaari itong tumagal. Sa oras na makumpirma na ng seller ang bayad, dapat silang maglabas ng mga bitcoin sa iyo at kumpletuhin ang trade.

Pagkatapos ng trade

Sa oras na makumpleto na ang trade, maaari kang mag-iwan ng angkop na tugon para sa kasosyo mo sa trade. Gayundin, kung gusto mong makipagtrade sa user, maaari mo silang idagdag sa listahan ng mapagkakatiwalaan.

Narito ang ilan sa mga kung paano bumili ng mga bitcoin sa Paxful.

Karagdagang mga tip

  1. Karamihan sa mga seller ay tumatanggap lang ng mga gift card na nabili mo gamit ang cash, kaya maghanda ng litrato ng resibo, hinihingi rin minsan ang larawan ng pakete.
  2. Karamihan sa mga seller ay tumatanggap lang mga mga gift card na may denominasyong nakaprint sa card ($25, $50, $100 at iba pa). Marami rin ang hindi tumatanggap kapag lumampas sa $100. Tandaang basahin ang kanilang mga termino ng alok at tagubilin nang maingat para matiyak na may tamang uri ka ng card.
  3. Siguraduhing malinaw at nababasa ang larawan ng card mo, kung hindi, maaaring tanggihan ng mga seller ang card.
  4. Hindi mo maaaring ibenta ang bahagi ng halaga ng card, Halimbawa, kung may $100 ka na gift card, hindi mo maibebenta ang $30 ng gift card na iyon. Kailangan mong ibenta ang buong halaga ng card.
  5. Laging basahin ang mga termino ng alok bago magsimula ang trade at mag-upload ng mga detalye ng card.
  6. Tandaang pindutin ang “Bayad na” na button sa oras na ma-upload mo na ang lahat ng mga kinakailangan ng seller. Pipigil ito na mapaso ang trade at makaiiwas sa pagnanakaw ng mga detalye ng card mo.
  7. Ang pagbroker ng mga gift card ay mahigpit na ipinagbabawal at lalabag sa Mga Termino ng Serbisyo ng Paxful Ang pagbroker ay tumutukoy sa pagbili ng code ng gift card mula sa isang tao at pagkatapos ay ibebentang muli ang card sa Paxful. Pagkatapos mong ibenta ang card at matanggap ang mga coin, hindi mo na dapat gamitin ang card na ito kahit kailan. Kapag nahuli kang nagsasagawa ng brokering o sinusubukang ibenta ang mga nagamit ng card ang account mo ay maba-ban.

Mga artikulo sa seksyong ito

Makakita ng higit pa